KINSA SIYA? MEDYO ilang taon na ang kuwentong ito pero ‘pag naalala ng aking reliable source ay natatawa na lamang siya dahil diumano sobrang ipinangalandakan ng reality actor na ito ang kanyang pagiging badaf!

KINSA SIYA? MEDYO ilang taon na ang kuwentong ito pero ‘pag naalala ng aking reliable source ay natatawa na lamang siya dahil diumano sobrang ipinangalandakan ng reality actor na ito ang kanyang pagiging badaf!

Ganito ang kuwento, sa isang TV show, kung saan bahagi bilang host ang reality actor na ito, hindi siya kasing friendly sa kanyang mga co-hosts sa staff. Lagi na lamang siyang nasa sulok ‘pag hindi pa nagti-take, samantalang ang kanyang mga co-hosts ay nakikipagkuwentuhan sa mga crew ng kanilang show.

Kapag briefing naman bago ang take, may-I-listen naman itong si reality actor pero parang wala lang sa kanya. Hindi niya isinasapuso ang mga instructions ng headwriter kaya ‘pag nagti-take na, puro take 3 halos si reality actor. Lagi siyang napagsasabihan ng headwriter tungkol sa kanyang pag-uugali kaya naman hindi sila masyadong magkasundo.

Minsan, nakatakdang mag-taping ang kanilang show sa isang ‘di kalayuang probinsiya. Maaga pa lang, nasa location na ang staff and crew ng show at ang iba pang kasamahang hosts ni reality actor. Halos magti-take na ay wala pa si reality actor. Nang tawagan ng production manager ang reality actor, sumagot daw ito na malapit na siya at dumaan lamang sa school para sa kanyang exam. Nang dumating na si reality actor, sakay ito sa isang magarang luxury vehicle at ipinagmaneho pa ng isang medyo malamyang lalaki. Sweet na sweet ang dalawa at asikasong-asikaso pa ni malamyang lalaki si reality actor.

Dito na natantiya nang headwriter ng show na parang miyembro nga ng ikatlong lahi si reality actor dahil kung makaasta sila ng malamyang lalaki ay parang wala nang tao sa kapaligiran nila. Naku ha?! Wala nang career si reality actor ngayon at minsan sa Facebook nito ay kung sinu-sinong guwapong mga lalaki ang katabi nito sa pictures. Sayang, crush pa naman siya ng karamihan.

(Arniel Serato)

loading...

2 thoughts on “KINSA SIYA? MEDYO ilang taon na ang kuwentong ito pero ‘pag naalala ng aking reliable source ay natatawa na lamang siya dahil diumano sobrang ipinangalandakan ng reality actor na ito ang kanyang pagiging badaf!

Leave a Reply

Your email address will not be published.