KINSA SIYA? MAY nagtsika sa aking impormante na kumpirmado raw talagang may relasyon ang controversial young actor na ito sa napapabalitang gf niya ngayon, na kamakailan lamang ay napabalitang hiwalay na raw pagkagaling nila mula sa trabaho sa ibang bansa.

Ayon pa sa may-I-tsismis na aking girlilet, kapitbahay raw o sabihin nating kapit-condo daw ng kanyang dabarkads ang nagsabi sa kanya na palaging nakaparada ang kotse ni actor sa Ortigas condo naman ni aktres. Palagi raw nag-i-sleep-over du’n si actor dahil hindi naman daw umaalis ang kotse nito.

Kasama pa raw nila minsan ang kanilang mga barkadang dalawang aktor na pareho ring kontrobersiyal. Lantad namang magkakabarkada ang apat na ito. Pero, bakit sinasabi nilang magkaibigan lang sila kung inuumaga lagi si aktor sa condo ni aktres? Naku, ha?!

(Arniel Serato)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.