KINSA SIYA? MAY kumakalat na tsismis na diumano, sa break ng isang taping ng isang malaking teleserye ay niyaya ni young actor na kumain ang kasamahan sa show na baguhang aktres.

KINSA SIYA? MAY kumakalat na tsismis na diumano, sa break ng isang taping ng isang malaking teleserye ay niyaya ni young actor na kumain ang kasamahan sa show na baguhang aktres. Um-oo naman itong si baguhang aktres dahil siguro tom jones na rin ito. Pagkatapos nilang kumain, at dahil hindi pa ready ang set para sa susunod na eksena, nagyaya naman itong si hunk actor na mag-videoke sila. Sing to the max silang dalawa hanggang sa bumalik na ulit sila sa set ng kanilang show.

Nakarating sa napapabalitang matagal nang dyowa ni hunk actor na si girlilet from the province ang balitang paglabas ng kanyang dyowa kasama ang baguhang aktres at nagalit ito sa hunk actor. Nag-sorry at nagpaliwanag naman si aktor sa girlilet at naayos ang kanilang problema. Pero bakit parang sila talaga kung umasta itong si girlilet? Matagal nang usap-usapan ang kanilang relasyon, pero hindi ito maamin-amin ng dalawa!!!

(Arniel Serato)

loading...

3 thoughts on “KINSA SIYA? MAY kumakalat na tsismis na diumano, sa break ng isang taping ng isang malaking teleserye ay niyaya ni young actor na kumain ang kasamahan sa show na baguhang aktres.

  1. nakakatawa to’ng BI.. It’s not a Blind Item at all. Para ka lang nagbasang tsismis na walang kakwenta kwenta.. Baguhan ka ba??? Walang sense e. E ano naman kung kumain at nag videoke?? kahit sino ginagawa yan ateng!!!

  2. @Arniel Serato – walang kalaman-laman ang mga pinag-susulat mo. Magtinda ka na lang ng isaw. Halatang wiz baldis ka sa larangan ng panunulat. Pwee

Leave a Reply

Your email address will not be published.