KINSA SILA? NAKAKALURKEY itech ha? Sa isang event kung saan imbitado ang press para saksihan ang pagpapakilala sa dalawang pareha o loveteams na magiging mukha ng kanilang produkto, super antay to the max ang media.

Alas-tres hanggang alas sais ang imbitasyong nakatala sa programa ngunit late-tsina ang isang pareha nang halos dalawang oras. Nakasaad sa programa na 4:30 magsimula ngunit 5:30 na halos nakapag-start ito. Nayayamot na ang ibang press na may nakatakda pang isang event na pupuntahan, ngunit hindi makaalis-alis dahil hindi pa nga nagsimula ang programa, at wala pa silang materyales para sa mga deadlines.

Ang lalong ikinaloka ng mga press people, halos 30 minutes lang tumakbo ang program at kung on time sana, napuntahan pa nila sa oras ang kasunod na presscon.

Naku, ha? Sana man lang, marunong silang magpapahalaga sa oras ng iba.

(Arniel Serato)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.