KINSA Sila? Dati nang may maraming hindi kagandahang balita tungkol sa ugali ng young actress A na sumikat sa TV version ng isang sexy movie noon.

KINSA Sila? Dati nang may maraming hindi kagandahang balita tungkol sa ugali ng young actress A na sumikat sa TV version ng isang sexy movie noon. Si young actress A ay produkto ng reality star search ng isang malaking istasyon kapareho ng bestfriend niyang si young actress B na nagmula rin sa isa pang reality search sa isang sikat na bahay.

Naging mabilis ang kanilang pagiging mag-bestfriend dahil pareho silang galing sa south. Palagi silang magkasama sa mga lakaran, sa gimikan at maging sa mga sikreto nilang dalawa ay alam ng bawat isa. Kuwento pa ng ate ni young actress B sa isang staff ng isang showbiz talkshow, sa kanila pa nagpa-Pasko noon si young actress A dahil nga malayo ito sa kanyang pamilya. Pero lately, naging maasim na raw itong si young actress A kay young actress B dahil mas magagandang proyekto ang naibigay kay young actress B kaysa sa kanya.

Marami rin ang nagtataka kung bakit marami umanong istorya ng kamalditahan sa staff at sa personal assistant itong si young actress A. Noong nagsisimula pa lang itong si young actress A, sweet ito sa mga staff ng mga showbiz talkshow kasi lagi itong bumebeso sa kanila. Pero ngayon, kapag nasalubong or nakatagpo sa mga events itong si young actress A, hindi na nito ginagawa ang pagbeso sa mga crew ng mga talkshows.

Sana hindi tuluyang malunod sa isang basong tubig itong si young actress A, dahil ang kanyang bestfriend noon na si young actress B ay hindi pinagbago ng kasikatan kaya tuloy nananatili ito sa rurok ng tagumpay!!!

(Arniel Serato)

Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “KINSA Sila? Dati nang may maraming hindi kagandahang balita tungkol sa ugali ng young actress A na sumikat sa TV version ng isang sexy movie noon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.