Kinetic Feeder, Sagot sa Tamang Pagpapakain ng Isda

NAKALIKHA ANG isang siyentista sa Bacolod City ng isang paraan upang tama at maayos na mapakain ang mga isda sa palaisdaan, baklad o dagat, pero makababawas nang malaki sa polusyong kaakibat nito.
Ang teknolohiya ay tinatawag na kinetic feeder at ito ay gawa ni Engr. Phillip S. Cruz. Ayon sa kanyang pag-aaral bago pa niya likhain ang kanyang device, nalaman niya na ang mali at labis na pagpapakain sa mga isda sa mga lawa, baklad o palaisdaan ang sanhi ng pagkamatay ng mga isda o fishkills dahil sumosobra ang mga nutrients sa tubig.
Demand feeding technology ang kanyang ipinaiiral sa kanyang palaisdaan at wika niya ay malaki ang bawas ng sistema niyang ito kaakibat ang device upang mabawasan ang lumalaking mga plankton na siyang dahilan upang magkamatay ang mga isda at ma-pollute ang kanilang nilalanguyan.
Ang teknolohiya ay may interbensyon ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development ng Department of Science and Technology (PCIEERD-DOST).

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.