Kinder, Dinaliri ng Tiyuhin

SWAK SA KULUNGAN ang isang kelot matapos itong arestuhin ng mga awtoridad makaraang daliriin ang 5-anyos na pamangkin habang ang huli ay natutulog kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan police at nahaharap sa kasong Rape in relation to RA 7610 sa Caloocan City Prosecutor’s Office ang suspek na si Eduardo Urbano, 36, binata ng Tagaytay St., Caloocan City.

Sinamahan naman ng kanyang ina sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) Caloocan police ang biktimang si Josephine (di-tunay na pangalan) upang pormal na magsampa ng kaso sa suspek.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa Caloocan City.

Ayon kay Josephine, himbing siyang natutulog nang maramdaman nitong may humihimas sa maselang bahagi ng kanyang katawan at nakaramdam ng kirot.

“Paggising ko po nakita ko si Tito (suspek) sa harapan ko, ang daliri ipinasok sa pepe ko tapos hawak po niya kutsilyo at tinututok sa akin,” kuwento pa ng biktima.

At nang makaraos ang suspek, lumabas ito ng bahay at tinakot ang biktima na papatayin kapag nagsumbong sa kanyang ina.

Kinabukasan umiinda ang biktima sa kanyang ina na masakit ang ari nito at nang tanungin ay sinabi nito ang ginawa sa kanya ng kanyang tiyuhin (suspek).

Dahilan upang magtungo sa nasabing himpilan ng pulisya ang mag-ina na nagresulta sa pagkakada-kip kay Urabano.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.