Kinatay na ‘Pangolins’, Ililibing na

BALAK NA rin umanong ilibing ng mga kinauukulan ang natitirang pangolins o anteaters na narekober ng pulisya mula sa sumadsad na Chinese fishing vessel sa bahagi ng Tubbataha Reef.

Sinabi ni Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) director Mundita Lim na sa bisa na rin ng court order ay aalisin nila ngayong araw sa barkong F/V Min Long Yu ang daan-daang crates ng pinatuyong mga hayop para i-dispose.

Nangangamba kasi ang mga kinauukulan na magdudulot nang sakit ang mga ito na ngayon ay nabubulok na.

Lumalabas sa isinagawang morphometrics ng Palawan-Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), lumalabas na kahalintulad nang mga Philippine pangolins ang mga narekober sa barko ng mga dayuhang mangingisda.

Sa ngayon, 23 mga pangolins pa ang nasabat ng Philippine Coast Guard mula sa isang Manila-bound vessel sa Coron, Palawan.

Samantala, base sa report, isang “tip” umano ang natanggap ng mga otoridad hinggil sa iligal na kargamentong lulan ng barkong MV Maria Lydia.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.