Kinasuhan sa paglustay ng P1.5-B Echiverri , may bagong problema na naman!

PINANINIWALAAN NA hindi na makakaahon si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa patung-patong na kaso ng graft and corruption dahil may panibago itong kahaharaping kaso na isinampa uli ni Vice Mayor Edgar Erice sa Office of the Ombudsman hinggil sa paglustay ng P1.5 bil-

yong pondo para sa Special Projects/ Activities Fund (SPAF) ng lungsod simula 2006 hanggang 2010. Ito ang ikalimang kaso ni Echiverri.

Base sa pahayag ni Erice, ginamit ni Echiverri sa pansariling interes ang P1,551,758,473.50 mula sa P2,124,644,527.00 na pondo ng SPAF na inaprubahan ng konseho para sa taong 2006 hanggang 2010

Wika pa ng bise alkalde, gumamit si Echiverri ng “generic terms” para pagtakpan ang kinuha niyang pondo.

Sa nasabi ring pondo kinuha ni Echiverri ang pinagawa nitong magkakatabing covered court na hindi aprubado ng konseho.

Sinabi ni Erice na lantarang nilabag ng alkalde ang Section 22 (c) at Section 455 ng R.A. 7160 ng Local Government Code of 1991 nang lustayin niya ang P1,551,758,473.50 para sa SPAF mula 2006 hanggang 2010 nang hindi alam ng konseho. Kataka-takang nagpagawa ng dalawang basketball court na magkatabi pa sa Maypajo Elementary School at sa SPAF din kinuha ang ginastos nito.

Magugunita na naka-binbin ngayon sa Department of Interior and Local Goverment (DILG) ang preventive suspension ni Echiverri kasama ang tatlo pa niyang department head, matapos katigan ng Court of Appeals ang ipinalabas na kautusan ng Office of the Ombudsman na suspendihin ang alkalde, dahil sa hindi nito pagbabayad sa GSIS monthly contribution ng mga kawani ng lungsod na umabot sa halagang P328 milyon sa loob ng 10 taon.

Ang panibagong kasong ito ni Echiverri ay ikalimang graft and corruption case na ipinaharap ni Erice, ang una ay ang hindi pagbabayad ng remittance ng mga empleyado ng city hall sa GSIS, anomalya sa tubig, anomalya sa mga sasakyan, anomalya sa Gotesco at ang huli ay ang SPAF.   (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.