KINARMA NA SI AKTRES… SIKAT AT MAYAMAN NOON, HIKAHOS NA NGAYON!

BLIND ITEM: SA pag-aaral ng psychology, ang rationalization o pagbibigay-katwiran ay isang uri ng defense mechanism. May dalawang uri ito: ang ‘sweet lemon’ at ang ‘sour grape’.

Ang unang uri ang ginagamit na paraan na lang ng isang dating sikat na sexy star para bigyang-katwiran ang kinasasadlakan niyang buhay ngayon, malayung-malayo noong nasa alapaap siya ng tagumpay.

Ilang beses nang napaulat na ultimo pambayad ng kuryente’t tubig ay hirap niyang maitawid, bagay na hindi naman niya ikinahihiyang aminin.

Maging sa aspeto ng kanyang buhay-pag-ibig ay sablay rin ang dating tanyag na aktres. Malas na ang huli raw niyang nakarelasyon, bukod sa abot-abot ang sakit ng kalooban ang dinanas niya ay may bonus pang pisikal na pananakit.

Hikahos. Kulang na lang ay ito ang gamiting salita ng hitad to best describe the kind of life that she now lives. Pero masaya raw siya, hindi raw tulad noong nakahiga siya sa pera, pero may bisyo naman siya’t may kung anong vacuum sa buhay niya. Ayokong isipin na inaani lang ngayon ng hitad kung ano ang kanyang itinanim. Maraming bagay, kasama na pati mga tao, ang hindi niya pinahalagahan noon.

Malinaw pa sa aking memorya ang eksenang ito noon, sa studio na ‘yon ng kanyang dating lingguhang TV show. Bukod kasi sa tinatanggap niyang malaking talent fee, package deal pa ang kanyang kinakasama na nasa payroll din. Hiwalay ito sa limang libong pisong padamit linggu-linggo, na iniaabot sa kanya bago magsimula ang programa.

Nang lumanding na sa kanyang palad ang five thou cash, pabiro niyang sinabi: “Ano ba ‘yan, pera na naman?!” sabay inihagis patalikod ang bungkos na pera.

Sa pag-aaral ng elementary science, itinuro sa atin ang living things at non-living things. Ang datung, non-living thing. Ang hindi nga lang yata napag-aralan ng ating bida, wala mang buhay o pakiramdam ang salapi, marunong din itong magtampo.

Kaya ang ending… kanta ni Boy George!

SIMPLY ‘BILLY’ ANG newest find ng kaibigang Jobert Sucaldito, babae po siya na binansagang ‘Prima Diva’. Siya ang nagsilbing curtain-raiser sa presscon para i-announce ang The Emilio Aguinaldo Story movie ni Laguna governor ER Ejercito.

One of The Library’s prized discoveries, pinahanga at pinanganga ni Billy ang press sa kanyang husay sa pagkanta, belting out such songs by Beyonce, Charice, and Lani Misalucha. Pero slightly, sablay para sa akin ang rendition ni Billy ng ‘Loving You’ by Minnie Ripperton, the latter must be turning in her grave! Hindi naman kasi ibinibirit ang nasabing awitin, swabe lang dapat ang atake rito na parang idinuduyan ka lang, Billy should take it from Vernie Varga the way she used to sing it.

Overall, Billy will give our divas a run for their money, basta kumuha lang siya ng stylist so she won’t be mistaken for a walk-in customer out of nowhere.

Bukas ng gabi ay huhusgahan si Billy via a solo concert produced by Jobert at Zirkoh-Tomas Morato with guests Richard Poon, Luke Mijares, Jimmy Bondoc, Duncan Ramos and the Quizon brothers Rowell and John.

LIKAS NA SA ating mga Pinoy ang maadik sa boksing, kaya after the recent victory of Nonito Donaire ay tututukan naman bukas ang laban ni Fil-Am WBO Super-Bantamweight champion na si Ana Julaton versus American boxer Franchesca Alcanter.

Live at libreng mapapanood ang labang ito bilang pagbubukas ng bagong news and sports channel ng TV5 na AksyonTV via satellite from Craneway Pavilion, Point Richmond, California mula alas dose ng tanghali hanggang alas dos ng hapon.

Kaya asahan nang zero crime rate bukas… weh, di nga?

KUYA DAN, KAKABUGIN ni Dante (na hinada rin pala si Jasper!) sa kuwento ni Manang Gloria (na sinusubaybayan ko rito sa Pinoy Parazzi) ang lihim ng dating boxer na si Bebot na maglaladlad ng kanyang kapa sa episode ngayong Biyernes ng Face To Face.

Pinamagatang ‘Ang Boksingerong Mister na si Bebot, Kumekembot?’, nasuntok ni Bebot ang kumpareng nagkakalat na may dyowa itong mhin na kapitbahay nila, si Tibot. Pero hamon ng misis ni Bebot, maglabas daw ng pruweba na ‘sirena’ ang ama ng kanilang apat na anak.

Kinol naman ito ng kumpare ni Bebot, ‘ayun, lumantad si Tibot, buong-ningning na isiniwalat na dyowa nga niya si Bebot. Hagulgol naman si Bebot sa VTR ng kanyang panganay na anak matapos nitong malamang ang kanilang fadir ay isa palang madir. Pasok sa banga!


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

3 thoughts on “KINARMA NA SI AKTRES… SIKAT AT MAYAMAN NOON, HIKAHOS NA NGAYON!

    • siya din ang una kong naisip. Konti lang kasi ang kilala kong sexy stars sa pinas. Pasalamat nga ako at nagkaroon ng TFC/GMA dahil kundi doon ay hangga ngayon nangangapa pa rin ako.

      • Ako rin Orkidia. Pero TFC lang ang sa akin kasi from our local cable network lang. Noon may Direct TV kami and it has both the TFC & GMA .

Leave a Reply

Your email address will not be published.