Kinalasan ni Misis; Mister, Nagpatiwakal

NAGPATIWAKAL ANG isang 48-anyos na mister na sinasabing kinalasan ng asawa  akaraang magbigti sa kanilang tahanan sa Muntinlupa City, kamakailan.

Hindi na nagawang maisugod sa ospital ang biktimang si Joselito, dating naninirahan sa # 414 Leo Street, Purok I, Block 3, Bayanan, Muntinlupa City.

Base sa report ng Muntinlupa Police-Criminal Investigation Section, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang madiskubre ng utol na si Noel ang pagpapatiwakal ng biktima sa loob ng kanyang silid.

Ayon kay Noel na napansin niyang nakaawang ang pinto ng silid ng biktima kaya nagtaka siya dahil sa hindi ito gawain ng kapatid.

Nang silipin niya ang loob ng silid, dito na nakita ang kapatid na nakabigti gamit ang lubid, kung saan nagmamadali naman itong humingi  ng tulong sa iba pang kapatid.

Samantala, nabatid naman na bago ang pagpapakamatay, nakipag-inuman muna ang biktima sa ilang kaanak at nang malasing ay naibulalas nito ang hinanakit sa kanyang misis na humiwalay sa kanya noong 2012 kung saan nawasak ang kanyang pamilya.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.