Kinalasan ng Syota: Binata, Nagbigti sa Kapit-Bahay

MINABUTI NA lamang ng binata na wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti na dumayo pa sa kapit-bahay nang kalasan ito ng kanyang syota sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital si Gervy Marcelo, 20 ng Coloong 1 ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:00 ng gabi nang makita ni Patrick Anicito ang biktima na nakabigti ng nylon cord sa bahay ng una sa nasabing lugar.

Agad na kinalag at dinala sa VGH ang biktima bago sinabihan ang mga kaanak ni Marcelo ang nangyari.

Nabatid na kinalasan ng nobya ang biktima na naging dahilan upang magbigti kung saan inaalam na kung may naganap na foul play sa pagkamatay ni Marcelo.

 (MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.