Kinalasan ng nobyo Dalagita, tigok sa paglagok ng lason

MINABUTI NA LAMANG ng isang dalagita na wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaning solution nang kalasan umano ito ng kanyang syota kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Hindi na umabot pang buhay nang idating sa Santissimo Rosario Hospital, Valenzuela City ang biktimang si Katrina Janz Lim, 14, estudyante, ng No. 5 San Diego St., Marulas, ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:40 nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng silid nito sa naturang lugar.

Ayon sa tiyahin ng biktima na si Roceli Lim, 45, tinungo niya ang silid ng pamangkin upang tawagin para kumain dahil hindi pa ito lumalabas ng kanyang silid simula umaga.

Pagbukas nito ng pinto ay tumambad sa kanyang harapan ang pamangkin na bumubula ang bibig katabi ang wala nang laman ng bote ng silver cleaning solution isang kemikal na panlinis ng mga accessories o metal.

Dito, agad siyang humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay upang dalhin sa naturang pagamutan ang biktima, subalit dineklara na itong dead-on-arrival ng manggagamot.

Nagsasagawa naman ng masusing imbesitgasyon ang pulisya upang alamin ang tunay na pangyayari sa insidente o kung may naganap na foul play.            (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.