Kinalasan ng ka-live in Kelot, Nagpakamatay

NAGPASYANG WAKASAN ng isang kelot ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili nang magtalo ang mga ito matapos umanong hindi matanggap ng una ang pakikipaghiwalay ng kanyang live-in partner kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-arrival nang idating sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMC) sanhi ng tama ng bala ng sumpak sa dibdib ang biktimang si Oscar Rosio, 23, ng Salmon St., Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Bago ang insidente, kinausap ni Mary Jane dela Cruz, live-in partner, ang biktima na makikipaghiwalay na siyang ikinagalit ng huli.

Dito, nauwi sa pagtatalo ang pag-uusap hanggang sa pumasok sa kanilang silid ang biktima. Ilang minuto ang makalipas ay nakarinig ng putok ng baril si Dela Cruz.

Agad nitong tinungo ang kanilang silid at dito nakitang duguang nakabulagta sa sahig si Rosio, dahilan upang isugod ito sa nasabing pagamutan, subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para alamin kung totoong nagpakamatay ang biktima o kung may naganap na foul play sa naturang insidente.        (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.