Kinalasan ng GF, nagbigti

DAHIL HINDI matanggap ang pakikipaghiwalay ng kanyang nobya kasunod ng matinding pagtatalo, isang binata ang nagpa-kamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa Zamboanga City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktimang si Jonel Japal Amar, 29 anyos, magsasaka at residente ng Barangay San Roque, Zamboanga City.

Pasado alas-10 ng umaga nang matagpuan kamakalawa ang bangkay ni Amar sa loob ng kanyang bahay sa nasabing barangay.

Nakatali ang leeg at nakabitin sa kisame ng kanyang kuwarto ang biktimang Amar.

Ayon kay Sr./Insp. Larry Domingo, ilang araw bago nangyari ang insidente, nag-away umano ang biktima at ang kanyang kasintahan na nakilalang si Joan Fabraquel Salindro, 22 anyos, dahil sa isang bagay na hindi nila napagkasunduan.

Pagkatapos ang pag-aaway nila, nakipaghiwalay umano ang babae sa biktima at simula noon ay hindi na nagkita ang magkasintahan na posibleng dahilan ng depresyon ng biktima at tuluyan ng tinapos ang kanyang buhay.

Labis-labis naman ngayon ang kalungkutan ng nobya ng biktima sa nagawa ng kanyang kasintahan.

Kumbinsido naman ang pulisya na suicide ang nangyari at walang may ibang kinalaman sa insidente.     (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.