Kinalasan ng boylet Bading, nagpakamatay

MINABUTI NA LAMANG ng isang bading na wakasan ang sariling buhay nito sa pamamagitan ng pagbigti nang hindi umano nito matanggap na kalasan ng kanyang boylet at ipagpalit sa tunay na babae kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Ang biktima na wala nang buhay nang matagpuan ay naki-lalang si Jessie Marcelino, nasa hustong gulang, at residente ng No. 403-B Gabriel St., Brgy. Arkong Bato Valenzuela City.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng silid nito sa naturang lugar na nakabitin sa kisame gamit ang electrical cord.

Ayon sa kaanak ng biktima, nagtataka sila kung bakit hindi pa lumalabas ng kanyang silid si Marcelino, dahilan upang puntahan ito sa kanyang silid, subalit pagpasok nila ay bumulaga sa kanilang harapan ang nakabigting biktima.

Agad naman ipinagbigay-alam sa pulisya ang nasabing insidente.

Nabatid, na ilang araw na umanong malungkot ang biktima matapos itong kalasan ng kanyang boyfriend na hindi nakuha ang pangalan. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.