KimXi Power Hug: Yakap ni Kim Chiu, nagpakalma sa nerbyos ni Xian Lim!

Xian Lim and Kim Chiu

USAP-USAPAN sa social media ang nangyaring  “super mega-hug” ni Kim Chiu kay Xian Lim last Saturday sa 2nd concert ng actor-singer-performer na si Xi held at The Theater at Solaire na pinamagatang “Songs in the Key of X”.

 
Sobrang nerbyoso si Xian sa opening number niya.
 
Aminado ang binata na kabado siya sa kabila ng magandang turn-out ng mga nanood ng kanyang show at super rehearsal nito para maipamalas ang kanyang galing sa sing and dance numbers niya.
 
Mas lalong kinabahan si Xi nang sabihin ng audience na andun si Kim (sa 3rd row ng teatro)
 
Tanong ni Xian: “Saan si Kim?” at nagtungo ito sa kinaroroonan ng rumored girlfriend.
 
Humiling ng “super mega-hug”ang binata sa dalaga na ang kantiyaw kay Kim ng mga audience na nagsisigawan ay: “Pagbigyan mo na.”
 
Kilig to the max ang short repartee ng dalawa.”Kinakabahan talaga ako. Hug lang. Hug lang,” paglalambing ng binata sa dalaga.
 
 
Pinasalamatan din ni Xi si Kim that evening. “Thank you for coming,” na bago siya i-hug ni Kim ay nag-kiss ang binata sa head ng dalaga bago siya umakyat muli sa entablado.
 
Para kumpleto ang kilig ng mga Kim-Xi fans na naroroon at nanood, kinanta ni Xian ang awiting “Beauty and Madness” na favorite song ng dalaga.
 
I’m sure sa mga nanood last Saturday, sagad sa kilig ang mga KimXi audience na “busog na busog” sa kanilang nasaksihan.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

One thought on “KimXi Power Hug: Yakap ni Kim Chiu, nagpakalma sa nerbyos ni Xian Lim!

Leave a Reply

Your email address will not be published.