KIMXI HOLIDAYS: Kim Chiu at Xian Lim, bongga ang Christmas vacation!

Xian Lim and Kim Chiu

IBA RIN ang paandar ng mag-couple (yes, sila na nga at wala nang iba pa) na sina Kim Chiu at Xian Lim.

Ako na mismo ang magdi-declare na silang dalawa pa rin na dahil sa kabisihan ng isa’t isa bago mag-Christmas ay very seldom sila napapagkita ng mga fans na nagpopost sa social media accounts nila magkasama.

Yes, sina Xian at Kim, nagbakasyon sa Finland kung saan ay nakita nila ang sinasabing Aurora Borealis-Northern Lights tulad sa pelikula ni Piolo Pascual at Yen Santos na produced ng Regal Films.

Kim Chiu

Noong una, sa mga posting ni Xian at Kim, iisipin mo solo biyahe sila. Wala kasing pictures na ipino-post ang dalawa na magkasama. Earlier this week, may photo si Xi na nasa Denmark at nag-seque sa Lapland, Finland (ang alam ko kapag sa side ng Finland at kapatid bansa ay hindi Aurora Borealis ang tawag technically).

Iisipin mo na solo flight sila na kadalasan ay mga photos lang ni Xian ang napapansin ko. Si Kim naman, walang location na isinusulat sa caption ng picture niya sa social media.

Makikita mo lang na white ang paligid. Nasa snow country sila na tuloy nagtanong ako sa sarili kung magkasama ba sila until heto’t just a few days ago ay magkasama na ang dalawa.

Xian Lim

I just don’t know kung sina Xian at Kim ay may ibang kasama or escorted si Kim sa biyahe nila.

If not, aba’y it’s a bonggang experience pala ito. It’s a Christmas vacation ng mag-lovers na silang-sila lang talaga na walang miron.

Merry Christmas and a Happy New Year KimXi.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

2 thoughts on “KIMXI HOLIDAYS: Kim Chiu at Xian Lim, bongga ang Christmas vacation!

  1. It’s very unusual for Kim and Xian to travel abroad without any chaperon, but this time they are alone. I think it is a public declaration of their true relationship, no more pretensions, no more hesitation, just the honest to goodness truth..they are together, BF & GF period..

  2. Yes…couple na couple naman talaga spending Xmas together w/c is the time of the year na kasama mo ang pinakamamahal mo sa buhay …dalawa lang po sila tlga fr. airport nag layover sa Dubai for 9 hrs. then destination is Copenhagen Denmark kung saan nila sinalubong ang Pasko stay sila doon ng ilang araw then punta sila ng Finland kung saan andon din ang MUA ni Kim at ung fren nya at nakibonding sila sa kanila…

Leave a Reply

Your email address will not be published.