Kimerald fans, ibo-boycott ang Tiagong Akyat?

Mag-uumpisa na sa August 15 ang Tiagong Akyat na pinagbibidahan ng Tayong Dalawa star na si Gerald Anderson. Ito bale ang una sa Agimat – Ramon Revilla series. Ang ilan pa sa magbibida rito ay sina Coco Martin, Jake Cuenca at Jolo Revilla. Ito rin ang kauna-unahang project ni Gerald Anderson na wala si Kim Chiu sa tabi niya. Si Erich Gonzales ang kanyang magiging leading lady at si Jason Abalos naman ang gaganap na kontrabida niya.

Medyo naloka lang kami nang makatanggap kami ng ilang e-mail mula diumano sa fans ng KIMERALD. Hindi raw nila susuportahan ang solo project ni Gerald. Ayaw raw kasi nila kay Erich Gonzales at si Kim Chiu lang daw ang bagay sa aktor. Meron pa nga silang terminong ginamit para sa Katorse star pero hindi na lang namin babanggitin. Sa isa pang e-mail, sinabi nila na hindi raw nakikinig ang Kapamilya station sa kanilang hinaing. Ganu’n?!

Hindi naman sa ayaw namin sa Gerald Anderson-Kim Chiu loveteam, pero hindi ba kayo masaya na as early as now, masusubukan na ang kapasidad nilang dalawa bilang individual actors? Hindi naman kasi maaaring habambuhay silang magtatambal dahil paniguradong pagsasawaan sila ng fans. Ang panandaliang paghihiwalay sa pelikula man o telebisyon ay makabubuti kina Kim at Gerald. Mali rin naman siguro na magsabi kayo ng masasakit na salita sa makakapareha nilang dalawa. Unfair ‘yun. Magpasalamat na lang tayo dahil hanggang ngayon, may mga proyekto pa rin sila sa Dos samantalang ang mga kasabayan nila, halos ‘di mo na mahagilap. Kung hindi ninyo susuportahan ang solo projects nina Kim at Gerald, para n’yo na rin silang hinila pababa. So please, be open-minded. Payong kaibigan lang po mula sa PFC. Baboosh!

By Pinoy Fans Club

loading...

12 thoughts on “Kimerald fans, ibo-boycott ang Tiagong Akyat?

  1. KIMERALDS sana nman suportahan nio prin c ge khit ala c kimmy.kc kya nga tau KIMERALD fan eh.dahil mahal ntin clang dalawa.hinde lng isa s knila.sna wag nmn mxadong HOT ang mga KIMERALDS.wag kayong mgagalit dhil KIMERALD DIN AKO!

  2. ay sus,bkit kc nasa2li sa usapan c erich no.friends naman ung 2.d lng freinds,close friends pa cla.ung iba kc grabeh mka lait kay kimmy kya ganyan ang lumalabas.syempre ipagta2nggol ng mga fans c kimmy.wag i issue ung kay erich sa tyagong akyat no,kc ang ikli lng naman ng appearnce ni erich dun.mas matagal pa nga kay max.& d lahat ng fans ng kimerald ganyan.babaw naman ha.

  3. DI MAGBOYKOTTT KAYO!!!!! TFC ako pero di ko gusto si kim….gusto ko ngang baliin ang buto nya eh! pag umiiyak! sa sobrang inis… pero c gerald ok lng… Tignan nyo nga c erich na kinawawa ng mga kimerald na yan oh! napakataas ng ratings ng katorse…ano kayo ngayon di napahiya kayo.. kala nyo cguro napakarami nyong kimerard para magboycott! mas marami pa rin ang manonood kung magaling umarte ang bida…pero ang totoo yan konti lng kayong kimerald….hhhuuuhh

  4. oi d naman ganun ka kitid ang utak ng mga kimerald ah.well ung iba obsessed lng tlga.dahil sa idol na idol nila ang kimerald.plus ratings ng tyagong akyat ok naman.plus c kim nag MMK b4 w/ matt evans.eh lalo ng mga TFC subscriber mka kimerald tlga.hehhehehe.its just 3 years pa lng naman kc cla magkasama.kumbaga d pa nka2sawa..

  5. Pingback: Kim Chiu ayaw tigilan ng mga intriga! | www.kimchiufan.com | Kim Chiu News, Pictures, Videos and more!

  6. I WONT WATCH AGIMAT BECAUSE I SIMPLY DONT LIKE ACTION SERIES.MAS FEEL KO MANOOD SA MOVIE NI KIM WITH GABBY AND ANGELICA. IM SURE MASAYA ANG TAGA SIYETE,DAHIL SA PAGKABOBO NG ABS,GINIBA ANG HOTTEST LOVETEAM NILA.

  7. ako talaga boycott sa abs nanood lang ako sa abs dahil sa kimerald . kung walang kimerald show ayoko ng manood sa abs dahil nainiis ako gosto ko lang kimerald.. maaga pa para sila maghiwalay . sana bigyan muna sila ng movie … where is promise after td may movie ang kimerald bat hannggang ngayon wala, kaya sorry boycott ko ang abs

  8. hmmm….sad…so sad….but anyway i still want to watch it!!
    pero im disagree for a words na paghiwalayin sila kc its too early pa, isang movie lang ang nagawa nila together na romantic..
    kakainis din naman kc ang abs pagawa pa sila nang poll di naman sinosunod mas lalo tuloy nagalit ang ibang kimerald fans..staka!! mahal kaya ang TFC nila dapat worth it ehh!! half of the TFC subsciver ehh makakimerald fan like meh!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.