Kim Rodriguez, walang inggit sa co-tweens na sunud-sunod ang projects

Kim-Rodriguez

HINDI RAW naiinggit ang maganda at may magandang PR na si Kim Rodriguez sa mga Kapuso teens na dire-diretso ang paggawa ng teleserye at hindi nababakante.
Tsika nga ni Kim, “Bakit naman po ako maiinggit sa kanila? Eh, maganda rin naman ang pag-aalagang ginagawa sa akin ng GMA 7. Nagkataon lang na maagang natapos ‘yung soap namin (My Mother’s Secret) kaya naman bakante ako ngayon,
“Pero hindi naman po totally nabakante, kasi may mga guestings naman po ako, at may mga out of town shows. Kaya may work pa rin.
“Tsaka nandyan naman ang masipag kong manager na si Tita Jenny Molina na alagang-alaga ako.”
Bukod nga sa guestings at raket nito, may mga bago pa raw siyang endorsements na parating ngayong buwan, kaya naman daw haping-happy siya.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleYexel Sebastian, magpapasikat sa kanyang mall tours
Next articleArnell Ignacio, kinain ang salitag ‘di na babalikan si Ken Psalmer

No posts to display