Kim Rodriguez, umaasang makikita ulit ang biological father

HINDI NA nagpakita muli ang biological father ni Kim Rodriquez, bida ng Kakambal ni Eliana. Matatandaang nang i-launch si Kim ng GMA-7 para maging lead star ng nasabing serye, biglang nagpakilala ang kanyang ama na hindi niya nakagisnang hanggang magkaisip.

Sa pagkikita nga nilang mag-ama, maayos na tinanggap ni Kim at umasa na magkikita silang muli. Pero magtatapos na ang teleserye ni Kim, hindi pa rin nagpaparamdam ang tunay na ama.

“Hindi ko nga po alam kung bakit hindi na siya bumalik. Sinabi ko naman na anytime na gusto niya akong bisitahin, tawagan lang niya ako. At least kahit minsan, naramdaman kong nandiyan pala ang tunay kong tatay. Hindi nga lang kami nagkaroon ng mahabang time para makilala namin ang isa’t isa. Sana maulit ‘yung pagkikita namin,” say pa ni Kim.

Samantalang dahil na rin sa big break na binigay sa kanya ng Kapuso Network, natupad na ang isa sa mga pangarap niyang makabili ng sariling sasakyan. Isang Hyundai Tucson at ngayon pa lang ay excited na siya sa ide-deliver pa lang na sasakyan.

Ang problema ay hindi pa siya marunong mag-drive, pero nangako raw si Enzo Pineda, kasama niya sa serye na tuturuan siyang mag-drive.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Kim Rodriguez, umaasang makikita ulit ang biological father

Leave a Reply

Your email address will not be published.