Kim Rodriguez, takot ma-bash ng fans ni Bea Binene

Kim Rodriguez, takot ma-bash ng fans ni Bea BineneMay pakiusap daw si Kim Rodriguez sa mga fans ni Bea Binene dahil sa pagpapahirap na gagawin nito sa kanilang idolo sa GMA soap na “Hanggang Makita Kang Muli” na malapit nang mapanood sa Kapuso Network ngayong Marso.

Tsika nga ni Kim Rodriguez, “Grabeng pahirap ang gagawin ko rito bilang kontrabida ni Bea Binene. Sana lang, hindi ako ma-bash ng mga fans niya. Hahaha!

“First time kong magkokontrabida nang sobra-sobra, kaya naman medyo kinakabahan ako. Kasi, nasanay ako na ako ‘yung inaapi sa mga nauna kong soap.

“Para sa akin very challenging ‘yung role na ibinigay sa akin ng GMA 7. Sana lang, magampanan ko nang tama.”

Nagawa raw pumayag ni Kim na maging kontrabida sa kanyang bagong serye, dahil gusto raw nitong subukan naman ang pagiging kontrabida para maiba naman daw sa mga roles na nagampanan na niya.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articlePhillip Salvador, ginagamitan na ng black propaganda
Next articleBea Binene, mala-aso sa bagong teleserye

No posts to display