Kim Rodriguez, pupunta sa Japan para bisitahin ang inang may cancer

Kim Rodriguez With John Fontanilla And Teejay Marquez

Kim Rodriguez With John Fontanilla And Teejay Marquez

Kahi’t na may pinagdaraanan, pinilit na maging masaya ng GMA Prime Actress na si Kim Rodriguez ang kanyang 22nd birthday na ginanap sa Salu Restaurant ng mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista last August 14.

Nalaman daw kasi nito na may karamdaman ang kanyang ina na nakatira na sa Japan. Na-detect daw kasi na may throat cancer ang kanyang ina.

Kaya naman daw wish nito sa kanyang kaarawan ang paggaling ng kanyang ina. At habang naghihintay nga raw ng kanyang proyekto sa Kapuso Network, pupunta muna ito sa Japan para samahan ang ina sa pagpapagamot nito.

Ilan sa mga kaibigan nitong artista ni Kim Rodriguez na namataan naming dumalo sa kanyang birthday celebration ang kanyang mga co-Tweenhearts na sina Ken Chan, Teejay Marquez, at Kristoffer Martin, ABS-CBN rapper Young JV, brother of Gerald Anderson na si Ken Anderson, stylist of the stars Yvone Camay, atbp.

Present din ang Manager nitong si Ms. Jenny Molina at iba pang non-showbiz friends.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.