Kim Rodriguez, napahagulgol ng iyak nang dumating ang ina sa birthday celebration

Kim-Rodriguez-Marielle-KomatsuNAPAIYAK ANG GMA 7 prime actress na si Kim Rodriguez nang biglang dumating sa ibinigay na birthday party/ fans day sa McDonalds-Quezon Ave., QC ng kanyang mga masugid na tagahanga ang kanyang ina na si Marielle Komatsu na ilang buwan na rin nitong ‘di nakikita at laging wala sa tuwing magseselebra siya ng kaarawan dahil sa Japan na ito namamalagi kasama ng kanyang kapatid na lalaki.
Sa tulong ng kanyang mabait at masipag na manager na si Ms. Jenny Molina, nagawa nilang isikreto ka’y Kim ang pagdating ng kanyang ina sa kanyang 21st birthday celebration bilang espesyal na regalo rito.
Bukod ka’y Mommy Marielle, dumalo rin sa nasabing okasyon ang napababalitang boyfriend nito at ka-loveteam na si Kiko Estrada na close na close sa kanyang mommy.
Naiiyak na tsika nga ni Kim sa pagdating ng kanyang ina, “Wala na akong mahihiling sa birthday ko. Ang makasama ko lang ang mommy ko ngayong araw, magandang regalo na sa akin ito.”

Shaun-Salvador-Ella-Cruz Tambalang Shaun Salvador at Ella Cruz, click sa televiewers

HIT NA hit sa manonood ang tambalang Shaun Salvador at Ella Cruz (Ellsha) na napanonood sa ParangNormal Activity tuwing Sabado ng 8pm sa TV5.
Marami nga ang kinikilig sa dalawa sa tuwing magkakaeksena ang mga ito sa palabas. Maging sa social media, patok ang tambalan ng dalawa.

Wish nga ng mga supporter ng Ellsha na pagtambalin daw ang mga ito sa iba pang show ng TV5 at magsama sa Wattpad nang sa ganu’n ay mas mag-click pa nang husto ang kanilang tambalan.

Pinky-Fernando Ferndando’s Cake ni Pinky Fernando, paboritong cake ng celebrities

PABORITONG MAGING parte sa bawat okasyon sa kanilang buhay mapa-birthday, pagbubukas ng kanilang bagong palabas sa telebisyon o pelikula ng celebrities ang Fernando’s Cake ng Fernando’s Bakeshops na pag-aari ng mabait at very generous na si Ma’am Pinky Fernando.

Kaya naman masasabing ang Fernando’s Cake ang maituturing na cake ng mga sikat na artista at personalidad sa telebisyon, pelikula, at maging sa pulitika. Hindi nga nakukumpleto ang kanilang selebrasyon kapag wala ang masarap na cake ng Fernando’s.

Ilan sa celebrities na ito sina Daniel Padilla, Coco Martin, Vina Morales, Bea Binene, Regine Velasquez, Gary Valenciano, Martin Nievera, German Moreno, Joel Cruz, Dr. Manny and Pie Calayan, Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Kathryn Bernardo, Jake Vargas, Sam Milby, Bea Alonzo, Jed Madella, Marlo Mortel, Janella Salvador, Kim Chui, Enchong Dee, Erich Gonzales, Xian Lim, Jonalyn Viray, Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli, atbp.
Matatagpuan ang Fernando’s Bakeshop sa Sta. Barbara, Baliuag Bulacan na may numerong 044-673-4197 o 09221696949 at email address na [email protected].

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleMegan Young: From Miss World to Miss Marimar!
Next articleEdward Benosa, panahon nang makilala ang kanyang musika

No posts to display