Kim Rodriguez, naniniwalang ‘di bading si Enzo Pineda

TAMANG-TAMA NAMANG nakausap namin si Kim Rodriguez na lead star ng Kakambal ni Eliana sa 17th floor ng GMA-7 na kung saan kasama niya sina Enzo Pineda, Kristoffer Martin at Lexi Fernandez.

‘Di ba may isyu ring pinagduduhan ang gender ni Enzo? Kaya tinanong ko si Kim kung ano ang reaction sa pagka-lalaki ni Enzo?

Natawa si Kim at sabay sabi na: “Si Enzo! Lalaki ‘yan! Magiliw at malambing lang kasi siya kaya siguro napagkakamalan.”

Pero hindi naitanggi ni Kim na medyo matabang daw ang tingin sa kanya ng mother ni Louise delos Reyes na naging syota ni Enzo na nauwi rin sa hiwalayan.

Matapos kasi ang break-up nina Enzo at Louise ay si Kim na ang naging super close sa young actor.

“Kapag nagkita naman kami ni Louise at mother nito ay nagbabatian naman kami. Pero parang matabang nga lang ang dating sa akin ng mother ni Louise. Mararamdaman mo naman kasi ‘yun,” nakangiting pahayag ni Kim.

Ask ko si Kim kung sino sa kanila ni Louise ang mas maganda? Siya ba o si Louise?

“Ako siyempre,” pagmamalaki nakangiting say ni Kim. “Alangan namang sabihin ko siya (Louise) ang maganda.”

Dahil may kakambal na ahas si Kim sa Kakambal ni Eliana. Ask ko siya uli kung sino kina Louise at mother nito ang una niyang ipatutuka sa kanyang ahas?

Natawa nang malakas si Kim at sabay sabi, “Naku! Tito, huwag na po.Baka magkaroon pa ng isyu sa amin. Okey naman kami ni Louise.”

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.