Kim Rodriguez, nakatatanggap na ng pamba-bash dahil sa pang-aapi kay Bea Binene

Kim Rodriguez
Kim Rodriguez

Nag-e-enjoy raw nang husto sa kanyang bagong role si Kim Rodriguez sa “Hanggang Makita Kang Muli” bilang kontrabida nina Bea Binene at Derrick Monasterio.

At kahit nga raw medyo nahihirapan si Kim Rodriguez sa villain role ay kini-carry niya raw ito, dahil bago at magandang experience para sa kanya.

Tsika nga nito, “Super effort talaga, Tito John. Kasi hindi naman talaga ako nagko-kontrabida dahil puro bida role ‘yung ibinibigay sa akin noon ng GMA 7.

“Pero okey na rin kasi habang tumatagal nakukuha ko na naman at nae-enjoy ko na siya. Ibang experience ito sa akin, kaya naman pinag-aaralan at pinagbubutihan ko talaga.

“‘Yun nga lang minsan, nauunahan ako ng hiya sa tuwing sasabihan ako ni Direk na kailangang apihin ko nang husto si Bea Binene.”

Deadma na nga lang daw si Kim sa mga namba-bash sa kanya dahil sa pang-aapi niya kay Bea sa teleserye. Iniisip na lang daw nito na trabaho lang ang ginagawa niya at sa tuwing may magagalit sa kanya dahil sa kanyang role, natutuwa siya dahil ibig sabihin daw nito ay effective ang kanyang pagganap.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleAlex Gonzaga, masyado nang OA, masyado pang feeling big star
Next articleTeejay Marquez, may pelikula na, may sarili pang soap sa Indonesia

No posts to display