Kim Rodriguez, mommy, at manager, solid na solid sa AlDub

Kim-Rodriguez-Mariel-Komatsu

ISANG CERTIFIED AlDub (Alden Richards at Yaya Dub) ang mag-inang Mommy Marielle Komatsu na naninirahan na sa Japan at Kim Rodriguez na nakatutok sa kalyeserye ng Eat… Bulaga!.
Tsika nga ni Mommy Marielle, “Naku sa Japan, nakatutok at lagi kong pinanonood ang AlDub. Kinikilig kasi ako sa kanila. Iba ‘yung love team nila, malakas ang hatak sa manonood. ‘Yung ‘pag pinanood mo sila, may dalang kilig. Kaya nga certified AlDub supporter ako. Hahaha!
Ayon naman ka’y Kim, “Ako rin Aldub fan, nakakikilig kasi sila. Ang sarap nilang panoorin, bagay na bagay sila. Ewan ko ba, kapag sila na kasi ang nasa TV, panonoorin mo talalaga sila. Para silang may magnet na kapag natapat sa ‘yo, ma-stick ka sa panonood sa kanila.”
At kahit nga ang manager ni Kim na si Ms. Jenny Molina, isa rin palang masugid na tagasubaybay ng AlDub at alam nga nito ang mga kaganapan sa dalawa araw-araw.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleDarren Espanto, Gusto ring subukan ang pag-arte
Next articleRia Atayde, threat sa ibang Kapamilya teen actress

No posts to display