Kim Rodriguez at Kiko Estrada, lumalalim ang pagkakaibigan

Kiko-Estrada-Kim-Rodriguez-Teejay-MarquezVERY HONEST na tinuran ng Kapuso prime artist na si Kim Rodriguez na habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang pagkakaibigan nila ni Kiko Estrada na kasama nito sa Starwberry Lane ng GMA 7.

Kuwento nga ni Kim, “Ganu’n naman kasi ‘pag mabait ang kaibigan mo. Habang tumatagal, mas nakikilala nyo ang isa’t isa at mas lumalalim ang pagsasama.

“Mabait naman kasi si Kiko at very caring sa mga kaibigan niyang babae. Kaya nga siguro ‘yung sweetness niya ang nagiging dahilan kaya nabibigyan ng kulay ‘yung friendship niya sa mga babaeng katulad ko.

“Kami kasi ni Kiko marami talaga kaming bagay na napagkakasunduan at gusto, kaya nga ‘pag magkasama kami along with our friends, masaya talaga.”

Dagdag pa ni Kim na isa si Kiko sa mga kaibigan niyang lalaki na laging nasa tabi sa mga sandali ng saya at lungkot sa kanyang buhay along with Teejay Marquez na kaibigan nila ni Kiko.

“Sila ‘yung mga kaibigan na kapag may problema ka hindi ka nila iiwan at dadamayan ka nila hanggang maging okey ka. Kaya naman ganu’n din ako sa kanila. Kaya nga kahit naiintriga kami ni Kiko, hindi na lang namin pinapansin dahil kilala naman namin ang isa’t isa at hindi naman kami papayag na masira ang friendship namin dahil sa intriga at dahil gusto lang ng ibang tao.”

 

Justin-LeeGawad Kabataan host Justin Lee, patuloy na tumutulong sa kabataang mahihirap

 

HABANG TUMATAGAL ang show na “Gawad Kabataan” na mapapanood sa Celebrity Channel at hatid ng SMAC TV Productions, hosted by Justin Lee at Jonathan Solis, maraming kabataang nangangailangan ng tulong ang kanilang natutulungan.

Tsika nga ni Justin, “Sa pagiging host ng Gawad Kabataan, marami akong natutunan, marami akong nalaman. Hindi pala lahat ng tao, ipinanganak na suwerte, may mga taong ipinangak na kapos sa maraming bagay. At sila ‘yung mga taong dapat na bigyan ng tulong. Mga taong patuloy na lumalaban para mabuhay.

“Kaya nga nagpapasalamat ako sa pamunuan ng SMAC TV Productions dahil ibinilang nila ako para maging host ng Gawad Kabataan, dahil dito nagagawa kong makatulong through them.”

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.