Kim Rodriguez, huling nakikipaglaplapan sa grocery store?

Kim-RodriguezIKINAGULAT NI Kim Rodriquez ang kumalat na balitang nahuli siyang nakikipaghalikan sa loob ng grocery store.

Ayon kay Kim, paano raw siya mahuhuling nakikipaghalikan, wala naman daw siyang boyfriend. Baka raw kamukha niya ang nakitang babae.

“May nakapagsabi na kasi sa akin na may kahawig raw ako. ‘Di lang isa, kundi marami raw. Kaya siguro ‘yung nakita nilang nakikipaghalikan, akala nila ay ako,” say ni Kim.

True rin pala na naghahanda na si Kim sa mga role na pang-mature. Nasa hustong edad na raw siya para gawin ang mga role lalo’t kailangang magpakita ng skin. Basta raw done in good taste ay walang magiging problema sa kanya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Kim Rodriguez, huling nakikipaglaplapan sa grocery store?

Leave a Reply

Your email address will not be published.