Kim Rodriguez, gustong maging Angel Locsin

Kim-RodriguezTUMANGGAP NG kanyang pangalawang tropeyo ang GMA teen star na si Kim Rodriguez sa  1st Teen Choice Award Philippines (Most Promising TV and Movie Teen Actress) na ginanap sa AFP Theater last April 3. Una siyang nagka-award sa PMPC Star Awards for Movies for New Movie Actress of the Year para sa pelikulang Mumunting Pangarap.

Ayon kay Kim, wish daw nitong manalo ng Best Actress Award gaya ng kanyang idolo at sinasabing ka-look a like nito na si Angel Locsin, na halos or more than 30 na ang tropeyo.

“Wish ko nga sana next time Best Actress Award na. Hahaha! Ayoko namang magpakaipokrita at sabihing ayaw kong maging best actress sa mga proyektong ginagawa ko. Siyempre, lahat naman ng artista gustong manalo ng award at isa ako du’n. Iba kasi ‘di ba ‘pag may Best Actress trophy ka na, katulad na lang ni Angel Locsin na umabot na yata sa 30 piraso ang thropy niya. Kaya kahit kalahati man lang nu’n magkaroon ako. Hahaha!

“Bale siya ‘yung idolo at inspirasyon ko para mas magtrabaho pa nang maayos at mahusay. Para next time, ako naman ang hahamig ng award. Hahaha! Alam ko naman na matagal pa ‘yun, pero willing akong maghintay hanggang dumating ‘yung time na mabigyan na ako ng tropeyo bilang magaling na aktres.”

Sa ngayon daw ay naghihintay pa rin si Kim ng bagong proyekto sa GMA 7. Pero katatapos lang daw nitong mag-shooting ng Chasing Boulevard, kung saan kabituin niya ang kanyang best friends na sina Teejay Marquez at Kiko Estrada.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.