Kim Rodriguez, ‘di raw apektado sa relasyon nina Kiko Estraada at Barbie Forteza

Kim Rodriguez

Kim Rodriguez

‘Di raw apektado ang GMA prime artist na si Kim Rodriguez sa naging announcement nina Kiko Estrada at Barbie Forteza na three months na silang nagdi-date.
Ayon kay Kim Rodriguez, okey lang naman sa kanya, dahil wala naman daw silang relasyon na pinagsamahan ni Kiko na mas malalim pa sa pagkakaibigan.
Close friend lang daw sila ni Kiko at lumalabas-labas. ‘Di naman daw umabot sa BF/GF ang kanilang relasyon, kaya naman daw karapatan ni Kiko na manligaw o magkaroon ng girlfriend.
Habang siya naman daw ay happy na single, dahil mas priority nito ang kanyang career at ang kanyang pagbabalik-eskuwela, at hindi ang pagkakaroon ng boyfriend.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.