Kim Rodriguez, ‘di pa kayang magbilad ng katawan

Kim-RodriguezHINDI PA raw ready na mag-pose sa FHM ang Paraiso Ko’y Ikaw lead actress na si Kim Rodriguez.

Tsika nga ni Kim, “Medyo matatagalan pa siguro. ‘Di pa pa kasi ako ready mentally at physically. Kailangan na ‘pag nag-pose ako sa FHM, handa na ‘yung katawan ko at isipan para maganda ang kalabasan.

“Bukod sa marami akong followers na kabataan, kaya dapat maging role model. ‘Pag nag-pose na ako sa FHM, medyo sexy at matured na ‘yung magiging image ko.”
At sa nalalapit nga na pagtatapos ng Paraiso Ko’y Ikaw, gusto rin daw sumabak ni Kim sa pagpapatawa, sana nga raw ay mabigyan siya ng pelikula o pang-telebisyong show na may temang komedya para masubukan niyang magpatawa.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.