Kim Rodriguez, ‘di na nangungupahan

Kim-RodriguezMASAYANG IKINUWENTO ng lead actress ng Paraiso Ko’y Ikaw na si Kim Rodriguez na bumili na siya ng sarili niyang condo unit malapit sa GMA 7 at hindi na siya nangungupahan.

Kuwento nga nito, “Ay, opo! Noon pa kasi balak ko na pong magkaron ng sariling bahay. Inisip ko kasi na kung magre-rent na lang ako, parang masasayang lang ‘yung binabayad ko monthly , tapos hindi naman magiging akin ‘yung bahay.

“So, bumili na po ako ng sarili kong condo unit na malapit sa GMA 7 para hindi na ako mapapalayo. So, after na makalipat na ako at mabayaran ko, sasakyan naman ‘yung next na bibilhin ko.

“Nu’ng una nga, dapat sasakyan ang bibilhin ko, kaya lang naisip ko na kailangang magkaroon muna ako ng sarili kong bahay, kaya mas inuna ko ‘yung condo tapos susunod na ‘yung sasakyan.

“Gusto ko ng Honda City, ‘yun lang ‘yung sasakayan ko as of now na gusto kong magkaroon. ‘Pag tagal-tagal at kumita na ako nang mas malaki pa, bibili na ako ng malaking sasakyan, para magamit ko rin sa taping.

“Gusto ko kasi na habang kumikita ako, nakikita ko kung saan napupunta ‘yung pera ko, bale investment na rin po ‘to. Gusto ko kasi na kada suweldo ko, may nabibili akong importanteng bagay na magre-remind sa akin na ‘yun ‘yung katas ng pinaghirapan ko. Para everytime na makikita ko ‘yung mga naipundar ko, mas magiging inspired ako na magtrabaho,” pagtatapos ni Kim .

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.