Kim Rodriguez, buntis nga ba?

Buntis nga ba ang Kapuso actress na si Kim Rodriguez?

‘Yan ang usap-usapan ngayon sa bakuran ng Siyete. Nabigla ang ex-boyfriend nito na si Kiko Estrada nang tanungin ng press kung ano ang comment nito sa napapabalitang pagbubuntis diumano ng dalaga. Hindi nito sigurado kung may katotohanan ang haka-haka, pero ang alam daw niya ay may dine-date ngayon si Kim na non-showbiz guy.

 

Isa si Kim Rodriguez sa mga homegrown artists ng GMA-7 na noon ay tuloy-tuloy ang projects, whether she’s bida or kontrabida. Huling napanood ito sa panghapong seryeng ‘Hanggang Makita Kang Muli’, kung saan inapi-api niya ang feral child na si Bea Binene. Matagal-tagal na rin nagtapos ang programa at madalang din ang guestings nito.

 

As of writing ay wala pa rin tayong natatanggap na direct confirmation from the camp of the actress. Bukas ang pinto ng Pinoy Parazzi.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.