Kim Rodriguez, balik-eskuwela matapos ang serye

Kim Rodriguez

Kim Rodriguez

Balik-eskuwela ang Kapuso actress na si Kim Rodriguez after ilang taon ding huminto pansamantala ang para pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-aartista.

At sa nalalapit ngang pagtatapos ng kanilang soap nina Bea Binene at Derrick Monasterio na”Hanggang Makita Kang Muli”, nagdesisyon itong mag-aral muli.

Tsika nga ni Kim Rodriguez nang makapanayam namin, “Tito, nag-aaral ako ngayon sa School of Fashion and Arts (SoFA Design Institute) sa Makati. Para habang naghihintay ako sa next project ko sa GMA may ginagawa ako.

“Sayang kasi kung matetengga ako at nasa bahay lang at walang ginagawa. Kaya nagdesisyon akong mag-aral ulit. This time, pipilitin ko na pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista.”

Sa ngayon nga raw ay tanging ang pag-aaral at guestings sa iba’t ibang shows ang pinagkakaabalahan ni Kim.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.