Kim Rodriguez at Kiko Estrada, hindi raw totoong hiwalay na

Kim Rodriguez at Kiko Estrada, hindi raw totoong hiwalay naWala raw katotohanan ang mga kumakalat na balita na hindi in good terms ang napapabalitang on and off screen partners na sina Kim Rodriguez at Kiko Estrada dahil may third party involved.

Tsika nga ni Kim Rodriguez nang makausap namin kaugnay sa nasabing issue, “Naku hindi po totoo ‘yan, Tito John. Okey na okey po kami ni Kiko Estrada.

“Tsismis lang po ‘yan. Natawa na nga lang kami nang makarating sa amin na hindi na kami okey, na merong third party na sumisira sa relasyon naming dalawa.

“Kung ano ‘yung pinagsamahan namin noon , mas lumalalim pa habang tumatagal.”

Hindi na nga lang daw nila pinapansin at iniintindi ang ganung klaseng balita dahil wala namang katotohanan . Basta sa ngayon daw, masaya sila ni Kiko together at sobrang daming blessings daw ang dumarating sa kanya. Bukod sa mga bagong endorsements, meron siyang bagong teleserye. ang “Hanggang Makita Kang Muli” with Bea Binene and Derrick Monasterio.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleNikki Co, dapat tularan ng co-artists kung paano pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista
Next articleChristian Laxamana, kumpiyansang maiuuwi ang Mr. Gay World title

No posts to display