Kim Komatsu, tinawanan ang chikkang iba ang type ng ka-loveteam na si Hiro Magalona

NATATAWA NA lang daw ang Tween Star na si Kim Komatsu sa tsikang crush ng kanyang ka-loveteam na si Hiro Magalona si Yassi Pressman na kasama rin nila sa number 1 youth-oriented show na Tween Hearts.

Ayon kay Kim, wala naman daw masama kung crush ni Hiro si Yassi lalo na’t normal lang naman daw sa isang lalaki ang humanga sa isang magandang babae like Yassi. Aminado naman daw ito na bago sila naging magka-loveteam ni Hiro, naikuwento na sa kanya ng pamangkin ni Francis Magalona na first crush nito sa showbiz si Yassi at nabaling na lang nang makilala at maging magka-loveteam sila ni Kim.

Ang mahalaga raw para kay Kim, maganda ang response ng mga tao sa loveteam nila ni Hiro at okey sila sa isa’t isa, nagkakaintindihan at masaya kapag magkasama lalo na’t dalawa ang shows na magkasama sila, ang Tween Hearts at ang Biritera na parehong nangungunang shows ng GMA-7.

 

AYAW NA lang daw intindihin ng magandang young star na si Ryza Cenon ang mga taong umiintriga sa kanya kaugnay sa pagtanggap ng mga proyektong support siya sa mga shows niya sa Kapuso Network, dahil siya nga ang big winner ng Starstruck Batch 2 sa babae.

Ayon kay Ryza, hindi raw big deal sa kanya kung support ang mga roles na ibinibigay sa kanya, dahil ang mahalaga raw sa kanya ay meron siyang show at hindi nababakante. Tsika pa nito na sa pag-aartista naman daw, naniniwala ito na walang malaki o maliit na role as long as nagagampanan mo nang mahusay, ‘yun ang mahalaga.

Alam naman daw n’ya na may plano sa kanya ang GMA-7 at ang GMAAC na siyang nagha-handle ng career nito, kaya kampante siya na hindi siya mawawalan ng trabaho. Dagdag pa ni Ryza na nag-e-enjoy naman daw siya sa mga roles na ibinibigay sa kanya ngayon ng GMA dahil very challenging at mas nahahasa ang galing niya sa pag-arte.

 

HABANG TUMATAGAL, mas lalo pang gumagaling ang grupong La Diva na binubuo nina Aicelle Santos, Jonalyn Viray at Maricris Garcia, kaya naman ngayong 2012 ay nakatakdang libutin ng GMA divas ang buong mundo via concerts.

Inihahanda na nga raw ang series of tours ng La Diva, kaya naman pihadong matutuwa ang mga supporters ng mga ito around the globe. Tsika nga ng isang director na bilib na bilib sa boses ng tatlong diva na ‘di hamak na mas magaling pa raw ang mga ito sa ibang naglipanang singers sa Hollywood.

Right break nga lang daw ang kailangan nina Jonalyn, Maricris at Aicelle sa international music scene at ‘pag naka-penetrate ang mga ito, maraming papataubing singers ang mga ito pagdating sa kantahan. ‘Yun na!

 

NAKATAKDANG MAGKAROON ng  first album release (It’s About Love)/ concert  sa March 10, 2012 sa Vancouver, Canada ang magaling na singer na si Eileen Lim na hatid ng Ecclesiastes Entertainment na pag-aari ng Pinoy-Canadian singer/ producer na si Ramil Omosura.

Magiging espesyal na panauhin ni Eileen sa kanyang nasabing event ang kapawa nito Ecclesiastes artists na sina Ethel Rose Amistad, Pop Vocalistas at Geena Geneza.

Isa lang daw ang dream ni Eileen bilang mang-aawit, ito ay ang maka-duet ang kanyang idolong singer na si Jose Mari Chan na bata pa raw siya ay iniidolo na niya. Tsika nga ni Eileen na sana raw sa mga susunod niyang concert ay makasama niya at maka-duet ang isa sa haligi ng Philippine music industry na si Mr. Jose Mari Chan.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

4 thoughts on “Kim Komatsu, tinawanan ang chikkang iba ang type ng ka-loveteam na si Hiro Magalona

  1. wala naman kasing star appeal si ryza, ang kapal magsabi na yan na pana panahon eh pretty face ka lang naman, hindi pang leading lady o kahit magpasexy ka, edited naman! tsaka ka lang mapapansin pag pang mother roles na ang ginagawa mo! ambisyosang hitad tong ryza na toh!

  2. haha…as always..the wasted page…tsk..tsk..ngaun sure n me n byarang writer 2 ng gma at lalo n ng tween hearts..lage n lng..

Leave a Reply

Your email address will not be published.