Kim-Gerald Sex video, peke! – Cristy Fermin

‘YUNG VIDEO SA YouTube na nagsasabing nahuling magkasama sa kama sina Kim Chiu at Gerald Anderson ay peke. Hindi sa totoong buhay ‘yun kundi eksena sa kanilang kunwari’y honeymoon sa tele-seryeng Tayong Dalawa.

Pinalala na lang ‘yun ng mga paksiyong galit sa magka-loveteam, pinalabas na nahuli silang nagmimilagro sa kama at nakanganga pa raw si Kim sa sobrang kaligayahan, ang nagagawa nga naman ng makina.

Pinagtatawanan lang nina Gerald at Kim ang kuwento, alam nila ang totoo na naganap lang ‘yun sa taping nila, pero may mga kababayan tayong naniniwala na sa totoong buhay nangyari ‘yun.

Ang ganu’ng senaryo ay palatandaan lang kung gaano kalakas ngayon ang team-up nina Kim at Gerald, pero kahit hindi pa sila umaamin, kahit kami’y naniniwala na meron silang relasyon sa totoong buhay.

Naalala pa naming nu’ng minsang interbyuhin namin nang magkasabay sina Kim at Gerald, sariwang-sariwa pa noon ang balita tungkol sa isang babaeng diumano’y karelasyon ng aktor, halatang-halata ang galit ni Kim kay Gerald dahil ni hindi kinakausap ng dalaga si Gerald.

Kung wala silang relasyon sa totoong buhay at sa katsang-telon lang ang kanilang pagmamahalan, ano naman ang karapatang magselos at magalit ni Kim, at bakit din kailangang magpaliwanag si Gerald na walang katotohahan ‘yun?

Haaayyyy!!!

Cogie Domingo, magaspang na ang balat

NU’NG ISANG ARAW ay may nakakita kay Cogie Domingo sa isang tindahan ng mga gulong sa Makati. Nagpapapalit ng gulong ng kanyang kotse ang batang aktor, siya mismo ang seryosong nag-aasikaso sa kanyang ipinagagawa, ayon sa aming impormante ay mukhang cool naman si Cogie.

Nakaladkad ang kanyang pangalan sa hidwaan ng magkarelasyong Governor Chavit Singson at Che Tiongson, may kumalat pa ngang text message na nagsasabing siya ang lalaking nahuling kasama ng babae na bugbog-sarado sa mga tauhan ng pulitiko, pero hindi naman pala at isang sinasabing modelo ang sangkot sa usapin.

Nu’ng nakaraang Biyernes nang gabi ay walang sabi-sabing dumating sa aming gallery si Cogie, nu’n namin napatunayan na sa biglang tingin lang mukhang cool ang young actor, dahil kapag tinitigan mo na siyang mabuti ay mapapatunayan mong kabaligtaran nu’n ang kanyang kabuuang personalidad ngayon.

Marami siyang tagihawat, ang makinis na makinis niyang kutis ay pinamamahayan ng pimples ngayon, manipestasyon ‘yun ng pagiging problemado at kakapusan sa tulog.

Gumaspang ang kanyang balat, napakalayo nu’n sa pagiging flawless niya noon na mahihiya ang kutis ng babae sa kanyang kakinisan, naging problemado nga si Cogie nitong mga nakaraang linggo.

Ayon kay Cogie, ang una niyang inalala nu’ng pumutok ang isyu ay ang kanyang mga magulang. Si Attorney Rod Domingo na isang human rights lawyer ay katatapos lang sumailalim sa isang proseso ng operasyon sa puso, ang kanyang ina naman ay katatapos lang maglipat mula sa California para manirahan na sa Texas, kaya agad niyang tinawagan si Mommy Zennie para sabihang walang katotohanan ang kuwentong kumakalat na siya ang lalaking nabugbog ng mga tauhan ng gobernador.

Hindi man niya sabihin nang diretso ay manghang-mangha si Cogie sa naging takbo ng balita, napakalayo sa katotohanan ng mga kuwento, ito na raw ang pinakamatinding kontrobersiyang naganap sa kanyang buhay at career.

Nilinaw ni Cogie na kumbaga sa isang preso ay napagserbisyuhan na niya ang kanyang pagkakamali, dahil sa kanyang kabataan ay mabilis siyang magdesisyon at pumasok sa masisikip, huli na nu’ng malaman niya na delikado pala ang kanyang pinasukan.

Labas na siya sa usapin, kung nagkaroon man siya ng partisipasyon du’n ay sa nakaraan na, hindi na siya ang lalaking tinutukoy na nahuling kasama ni Che kaya umalsa ang galit ni Governor Chavit.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

9 thoughts on “Kim-Gerald Sex video, peke! – Cristy Fermin

  1. guys, kita nyo and poll sa sidbar. asking what show ang dapat tapusing ang sagot ko” TAPUSIN NA Itong BLOG ni CristY”.hahahahahahahaa

  2. MAGTIGIL KA NGA CRISTY FERMIN.
    PALIBHASA… HINDI KA NABIBIYAYAAN NG PAYOLA MULA KAY COGIE KAYA NAGNGANGANGAKNGAK KA NA NAMAN.

    ANG DAPAT SA YO, SUPALPALAN NG PERA DAHIL PERA LANG NAMAN ANG NAGPAPATAHIMIK SA MATABIL AT MADUMI MONG BUNGANGA.

    I WAS TALKING THE OTHER DAY WITH A RESPECTED TALENT AT ABS-CBN… NEVER KA NA RAW MAKAKABALIK PA SA DOS.

    BWAHAHAHA!

    ANG SAMA KASI NG UGALI MO! KASINGPANGIT NG MUKHA MO! EPAL KA!

  3. tita cristy….epekto yan ng KONSENSYA….ndi maka2log…bilib pa ako kay cogie…may konsensya…kesa yn iba dyan…WALANG KAKONSENSYA KONSENSYA, msarap ang 2log….naku blind item yan….hulaan nyo….hahahahahhaha…aw aw aw….

  4. c kim at gerald nga yung nasa sex scandal. cla nga yun …. pinagtatakpan lang ni cristy fermin. cristy magkano binayad sa iyo para pagtakpan cla kim at gerald?

  5. Naku Cristy, kahit gaano pa kagaspang ang balat ni Cogie, malamang naman ay di singsama ng balat mo.

    Di na binatilyo si Cogie. Di dapat asahan na palaging magiging baby-faced.

  6. hahahhaa!

    Sigurado mga fans yan ng Alkirs Kaliskis! hahahaha

    Patataubin daw ang Kimerald????

    Baka sa Mahal-Dagul loveteam kulangot lang sila eh hahahhaha

    SIPAT: May LAUNCHING MOVIE ang LOVETEAM nina ALJUR ABRENICA at KRIS BERNAL under REGAL FILMS.

    EKLAT: Si MOTHER LILY talaga, NAGTATAPON ng PERA!

    hahahhaa

Leave a Reply

Your email address will not be published.