Kim does the ‘Threesome Girl’

SA MGA NAGHIHINTAY nang pagbabalik sa primetime ni Kim Chiu eh, matatapos na ang inyong pag-aabang dahil malapit na siyang mapanood sa upcoming teleserye ng ABS-CBN na Binondo Girl. Hindi lamang isa kundi tatlong young actors ang makakapareha ni Kim sa bagong serye ng Dos. Makakasama ni Kim sina Papa Jolo Revilla, Papa Xian Lim, at Papa Matteo Guidicelli. Sa kanilang tatlo, si Papa Jolo ang fi rst time na makakatrabaho ni Kim. Hindi rin itinanggi ng tsinitang aktres na karagdagang pressure ang magkaroon ng panibagong mga kapareha sa bagong teleseryeng kanyang pagbibidahan. Naman, bukod

sa Binondo Girl eh, dapat itawag rin kay Kim ang pagiging threesome girl, he-he! Kayanin kaya ng lola n’yo ang tatlong leading men niya pagdating sa aktingan, huh? Buweno, umaasa naman si Kim

na patuloy pa rin ang suporta ng mga naging tagahanga ng team-up nila ni Papa Gerald Anderson. Muli rin niyang makakasama ang mga batikang aktres na sina Cherry Pie Picache, na nakasama niya sa Tayong Dalawa at si Ai-Ai delas Alas na nakasama niya sa Your Song Presents: Maling Akala. Samantala, ano kaya ang mase-sey niya sa kanyang mga magiging kapareha aber? Hmmm… handa na bang magmove

on kay Papa Gerald? Ha-ha, chos!

Photos by Fernan Sucalit & Parazzi Wires

Ni MK Caguingin

Guesswhodoes
Pinoy Parazzi News Service

Related Post

loading...

5 thoughts on “Kim does the ‘Threesome Girl’

  1. bakit mag move on c kim di nmn cla nagkahiwalay,,di nagwagi c bea paghiwalayin ang kimerald sa tagal ng pinagsamahan ng kimerald di basta basta masisira ng ganon ganon lang iyan di tipo ni bea ang sisira sa kimerald..

  2. itong c putrizk wla n kong nkitang comment nia n mganda..laging bitter! cguro mukha kng paa kya glit k s mundo.. hahaha..peace

  3. bakit na man nde makapag move on c kim ganung klaseng lalaking un nde makpag move on c kim.matagal ng naka move on c kim. mula ng ipinalit xa kay pata. cguro ang lalaking un ang nde nakapag move on. kahit sa movie nia gnagamit pa rn c kim sa mga promotion.

  4. bakit nde, sa ganda nia nde .ang dami nga niang manliligaw, at sino ba naman yang user na yan na nde xa makapag move on. matagal na yatang naka move on c kim. ang problema ang nde naka move on ung babaeng mang-aagaw like ba at sa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.