Kim Chiu, walang regrets sa mga pinagdaanan sa buhay

KIM CHIU recently celebrated her 23rd birthday. Parang kailan lang when she first caught the public’s attention as the chinky-eyed, bubbly girl when she joined the Pinoy Big Brother 1st Teen Edition where she emerged as the big winner.

Sa pitong taon niyang pananatili sa showbiz, we have seen how Kim has matured. Sa katunayan, she looked hot and sexy in her body-fitting outfit during her dance number on ASAP together with the G-Force dancers.

Bilang pasasalamat ni Kim sa lahat ng mga biyayang natatanggap, isang birthday charity event ang kanyang inihanda sa Isla Pulo, Navotas kung saan isang komunidad ang kanyang tinulungan at pinasaya.

Hindi maikakaila ni Kim that there were good and bad times in showbiz pero lahat ng ito ay kinaya niyang mapagtagumpayan. Sabi nga niya sa akin during her interview on The Buzz, “Sa akin wala akong nire-regret sa mga pinagdaanan ko sa buhay, ni isa, kasi thankful ako na nangyari sa akin iyon at this early age. Naharap ko sila at na-lampasan ko isa-isa. Kasi iyong iba darating iyong problema matanda na sila, so ako bata pa lang humarap na ko ng mga problema. From my parents, down to my friends and sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. Thankful ako kasi ganito na ako tumayo ngayon.”

Ano ba ang kanyang laging dasal sa Diyos? “For God to give me more strength para maitayo ko ang sarili ko. Tinutulungan Niya naman ako, alam ko naman iyon. I’m so thankful and I’m so blessed.”

Mabait si Kim sa kanyang pamilya kaya naman patuloy ang pagdating ng mga blessings sa kanya. “Inspiration ko ang mga kapatid ko. Kaya naman ako pumasok sa showbiz dahil sa kanila. Sa lahat ng mga nangyayari, wala ka talagang mapagkakatiwalaang tao kundi ang pamilya mo. Na-prove ko iyon kasi sa lahat ng mga nangyayari, nandiyan ang mga kapatid ko.”

She also thanked her fans na walang sawang sumusuporta sa kanya. Laging pinatutunayan ng mga fans na umulan ma’t umaraw ay andyan silang lahat at handang ipag-tanggol ang idolo. “Dati [naaapektuhan ako sa mga bashers]. But now, sige bahala kayo. Hindi ko naman kayo mapi-please lahat. Pero inaaway sila ng mga fans ko. Nakakatawa minsan pero sobra akong nagpapasalamat dahil pinagtatanggol nila ako. Salamat sa pagmamahal.”

Kim turned emotional when asked if she has already forgiven Maja Salvador and Gerald Anderson who are rumored to be in a romantic relationship. Sagot ni Kim, “Siyempre madaling magpatawad pero mahirap kalimutan iyong ginawa nila sa akin.” Wala naman sanang magiging alingasngas kung nagka-developan man ang dalawa pero nagkaroon ng kontrobersiya dahil napapagitna sa kanila si Kim na alam ng lahat na kaibigan ni Maja at dating girlfriend ni Gerald. Ito ang dahilan kaya nagkaroon ng lamat ang friendship nila Kim at Maja.

She said the reason she is able to work with Maja on Ina, Kapatid, Anak is because of her love for her work. “Professionalism siguro, number one, and sa pagmamahal ko sa trabaho ko.”

May gusot man sa pagitan nila ni Maja ngayon ay nais pa rin ni Kim na maging okay sila balang araw. “Oo naman. Wala namang nangangarap magkaroon ng pangit na buhay. Pero time will tell and siguro hindi pa ngayon.”

Kim looks radiant. Dahil ba ito kay Xian Lim? Kumusta na ba sila ngayon? “’Di ko masagot iyan’ pero masaya ako nandiyan siya. Thankful ako na andiyan siya for me.” In another interview, Kim revealed that Xian gave her a pair of earrings and a promise ring for her birthday.

Happy Birthday, Kim!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

18 thoughts on “Kim Chiu, walang regrets sa mga pinagdaanan sa buhay

  1. I was suggested this blog by my cousin. I am not sure whether this post is written by him
    as nobody else know such detailed about my trouble.
    You are incredible! Thanks!

  2. hello!,I really like your writing very a lot! percentage we communicate more approximately your article on AOL?
    I require a specialist on this area to solve my problem.
    Maybe that is you! Looking ahead to see you.

  3. hayaan mu na yang c budoy at majarot kim!bagay nman cla puro mga walang kwentang tao..importante kimy dami nagmmhal sayu at madami kang natulungan na mhhirap.yung dalawang yun puro apoy yung ginagawa!bad influence yung majarot kya nxt time huag mgtiwala s mga user!

  4. hay kim chiu pabayaan muna yan ang nagaaway sayo dibali ganyan talaga ang tao pero kim hindi naman tao magkilala isa akong batang matulungin sa kapwa pero sa bagay ganyan naman ang tao magtatrabaho pero nandito ako sa ampayon butuan city purok 2 ikaw taga manila ka bisaya ako seacrh mo ako sa fb carejhon bantono bye bye……

  5. At yong isda na biningwit ni budoy halatang walang mkain sa aquarium kaya kumagat kaagad sa uod na pinain bka kainin pa ng iba eh sayang naman

  6. Motto ni budoy ngaun “why go for hard to get if there is easy to get.”wahahahaha para lang bumingwit ng isda na nkalagay sa aquarium at hindi sa dagat

  7. Bsta sikat pinag uusapan tlaga yan hndi kagaya ng iba kelangan magpapansin para mapag usapan unlike kim chiu kahit ano nlang napapansin ng bashers kc sikat xia..go go kimmy!marami kmi d2 ofw sa kuwait na humahanga sau..ganda ng IKA sana humaba pa ang istorya niya…lage naming inaabngan sa TFC.!Galing m sobra

  8. she’s really beautiful inside and out…..mabait na bata…same with Sarah G…that’s why they’re both blessed…alam naman ng nakararami if what kind of girl ang gusto ni budoy…ung nakakaladkad nia….and besides….may bf n director si budoy…kaya front lang si majah….remember the condo ? nandon pa rin mga lumang gamit ni budoy…

  9. EH KASI NAMAN MAXADO MAARTE ITONG SI KIM CHUI GUSTO PARATING NAPAGUUSAPAN SIYA… PA-POST-POST PA NG SEXY SA BEACH HINDI NAMAN BAGAY HAHAHAHAHA! MUKHANG TINTING NA TINUBUAN NG KATAWAN HAHAHAHAHA!

  10. Sana tantanan na ang name ni kim na idikit sa laos at starlet na yan kasi pinapasa niyo kay kim na hindi maka move on pero ang totoo kayo ang hindi maka move on kaya yung past or old issue na ay pilit niyo pa binabalik or tinatanong kay kim para mapag usapan din si gerald at maja at the expense of Kim! tama na maawa naman kayo kay kim dami niya ng pinagdaanan sa buhay kahit anong gawin niyo,you can’t put a good woman/person down!

    • si kim mismo ang nag umpisa ng issue na to, sino ba ang mahilig mag emote sa harap ng media, diba si kim. she started all this kaya natural tanungin siya ng tanungin. kaya don’t say na pilit na dinadawit si maja and gerald sa name ni kim dahil kagustuhan ni kim mismo na gawing issue to.

  11. at a young age dami ng pinagdaanan ni Kim Chiu but hindi napariwarak ang buhay or hindi nagpakawala or nagrebelde instead matapang niya hinarap ang lahat at naging inspirasyon or mabuting halimbawa sa kabataan. yan ang tunay na definition ng maganda inside & out at kahanga-hanga maging idolo.

  12. Cguro mahal kapa ni gerald until nw kim kc sa dami ng girls n pwd niyang ligawan eh ung bff mo pa..gus2 kalang tlaga niyang saktan..sayang ang friendship niyo ni maja talaga pinaiyak niyo ko nung ininterview kayo sa kris tv before..

  13. Sobrang madaming nagmamahal sau kim kc 22o kang tao hndi ka plastik..sa pag iyak m sa the buzz pinatunayan mulang na tlagang pwd kring mging normal na tao kh8 showbiz ka d m niloloko ang mga tao d gaya ng iba plastik kh8 hndi ok sinasbing ok.i salute u kim ur family is so blessed to have u..i’m ur number 1 fan frm PBB until nw.

  14. Sobrang bait tlaga ni kim kaya xia umabot sa estado niya ngayon dahil sa ugali niya..i love u kim sana sagutin muna c xian lim

    • OY, eto ang latest.

      May secret LOVE pala etong si Kim Chui. Isang childhood sweetheart kung tawagin. Nasa SAUDI ARAMCO nagtratrabaho, Deputy Assistant Manager eto. Every time na uuwi ng pinas si guy ay nagkikita at nagdi-date sila ni Kim.
      Kim, how true eto huh?

Leave a Reply

Your email address will not be published.