Kim Chiu, wala nang kontrol kay Gerald Anderson!

MABILIS NA KUMALAT ang balita na malabo nang matuloy ang balik-tambalan nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Mismong ang Pop Princess daw ang tumangging muli silang magkasama sa isang pelikula. Hindi raw nagustuhan ng dalaga ang pagdi-deny ni Lloydie sa kanyang naging pahayag na after 5 years ay puwede na niyang ligawan si Sarah. Click pa naman sa mga fans ang kanilang loveteam kaya super hit sa takilya ang kanilang pelikula.

Hindi raw naging maganda sa paningin ng mga fans nina Sarah at Lloydie ang pag-amin ng binata sa relasyon nila ni Shaina Magdayao. “Siyempre hindi naman natin binibili kumbaga ‘yung mga naitulong ng mga fans. Without them, wala rin naman kami. Pero malaking part din naman talaga ng lahat ng success ng mga pelikula ko, project ko, material level. Talagang namang maganda ang pagkakagawa, maganda ang istorya,” malumanay na sabi ng aktor.

May issue kasing sina Sarah at Mommy Divine mismo ang ayaw nang ituloy ang project nila ni John Lloyd. “Well, hindi puwedeng gawin ang isang bagay kung mayroong ibang involved du’n sa project na medyo hesitant na. So, kung ganu’n, I think, isang bagay siyang dapat i-take for consideration. Kasi ako, naniniwala kasi ako du’n, alam mo ‘yun, ‘yung energy, ang total respect.”

Kahit may ganoong issue sa pagitan nina Lloydie at Sarah, labis pa ring ikinatutuwa ng binata na naging maganda ang working relationship nila. Naging memorable din sa singer-actress na minsang nakatrabaho niya ang magaling na aktor.  “Alam mo ‘yung mga nagawa namin sa dalawang pelikula, iilan lang ‘yan sa mga project na ‘yan. Kung tutuusin ‘yan ang hindi ko malilimutan sa career ko and malaki, malalim at napaka-special ng ibig sabihin… I’m really happy na mayroon siyang sinabing ganu’n.”

NANG DUMATING SA International Airport si Charice last Friday, diretso na ito sa Resorts World Hotel near Terminal 3 for the opening. Nagkagulo ang media na ma-interview ang international singing sensation para linawin kung totoong $100,000 na ang kanyang talent fee per show abroad? “Sobra naman po, nag-start pa lamang ako, hindi ko naman sinasabing sobrang sikat na ako sa States para ganu’n ang maging talent fee ko. Ibang usapan siyempre kung pinag-uusapan ‘yun…” paliwanag niya.

Aminin man ni Charice o hindi, kumalat na ang balita tungkol sa million-peso talent fee niya per show sa US. Ngayon pang nasa cast siya ng Glee, siguradong flying high ang TF ng dalaga. Ngayon nga, binansagan si Charice ni Oprah na “The Most Talented Girl in the World.” Hindi maiiwasang i-compare siya sa world class singer na si Lea Salonga. “Napakalaking compliment para sa akin. Siyempre, si Ms. Lea Salonga talagang nakabalik na, ako papunta pa lang. Sa dami ng artist na puwedeng ibigay ‘yung ganu’n title na inilalagay nila sa akin sobrang flattered, sobrang proud. Thank you of course sa mga taong nagsasabi but of course, iba pa rin si Ms. Lea Salonga. Ms. Lea Salonga is Ms. Lea Salonga, iba po talaga siya,” simpleng turan niya.

Sa pagiging international recording artist ni Charice, maraming sikat na local artist natin ang iniidolo siya dahil nakapasok siya sa TV musical na Glee. “Very flattered siyempre naman po. Pero sa tingin ko, wala pa naman ako roon para ganituhin ako ng malalaking artista. Sobrang sarap ang feeling na talagang ite-treasure ko ito. Hindi ko talaga malilimutan kasi kahit sabihin nila ‘yun, ako pa rin si Charice na umiidolo sa kanila.”

NAGING SENTRO NGAYON nang usap-usapan ang split-up nina Kim Chiu and Gerald Anderson. Hindi nga natin alam kung totoong naging sila o drama lang ang pagiging malapit nila sa isa’t isa. Wala namang pag-amin sa kanilang dalawa kung naging sila nga.

Nang mapabalitang hiwalay na sina Kim at Gerald, biglang nagparamdam sina Robi Domingo, Enchong Dee at Aljur Abrenica sa dalaga. Si Gerald naman ay nakipag-date na raw kay Bea Alonzo. Pati nga si Zanjoe Marudo gusto ring pumapel sa magaling na aktres.

Nilinaw naman ni Kim na friends lang ang turing niya kina Enchong, Robi and Aljur. Pero kay Gerald, ganito ang kanyang naging pahayag. “Siguro tapos na ang Kung Tayo’y Magkakalayo hindi na nila kami nakikitang magkasama so, ‘yun wala na akong control du’n…” sey ng aktres.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

8 thoughts on “Kim Chiu, wala nang kontrol kay Gerald Anderson!

  1. hello guys, kimeralds are all geared for the arrival of prince and princess of primetime movies and tv ge and kim here in florida. You have no idea, the preparation they have organized from the airport to the hotel to the shows and after the show. Each kimerald family have really contributed to the arrival of kim and gerald, talagang tunay na prinsepe at prinsesa ang kim and gerald dito sa states. Sosolohin ng mga globies and sweet moments ng dalawa dito sa states away from tsismis . Maraming behind the scenes at offcam ang magaganap dito sa states. Makatotohnang bonding away from the paparazzi at magugulongmedia. Di lang totoo bagkos natural na natural ang galaw ng dalawan g magsingirog ang galaw ng kim and gerald. Naturaln na natural at hindi gawa gawa lamang. Private happy moments silang dalawa lamng. Baka itour sila sa Lake Tahoe, Big Sur in California, Hears t Castle in Cali, Huntington Beach in Sout h Cali, Peeble Beach, Mendocino Beach , Key West in Florda all courtesy of Kimerald fans, arranged and organized by the loving fans of kim and gerald. Shopping spree of kim and ge in Las Vegas, Miami and Palm Desert in Florida, to top it all movies hopping in Hollywood and Disneyworld in Florida. Happy for you all Kimeralds, you wll be part of this…..

  2. what you see is what you get ang laging sinasabi ni gerald anderson…. panoorin nyo sa youtube ang finale ng bench uncut at yong GMMF awards night…. malalaman nyo kung ano ang totoo…. napapabalita na rin non na hiwalay na sila….

  3. kawawa naman si Sarah, loko ka JLC ah!!!!pero love pa rin kita Sarah G…about Bea & Gerald, well kung in-love sila so why not? I don’t care kung sila o hinde…si Kim, I think bagay sila ni Enchong-EncKIM…ha ha ha

  4. @!! palagay ko may bahid na katotohanan yung kay Sarah. kasi ibang mga fans nya palaging sinasabi na konti na lang ang hihintayin ni John Lloyd at pwede na magbf si Sarah. kung nagbasa ka sa pex/pep at sa yt puro mga ganyan ang drama nila. parang siguradong sigurado. at nang lumabas ang katotohanan na even during na ginawa nila yung 2nd sequel dalawa pala ang secretong dinidate ni John Lloyd.
    at nung pumutok ang balita kina Madam Rufing at John Lloyd apektado si Sarah. inisnab pa nga nya si John lloyd sa ASAP diba? so palagay ko umaasa talaga siyang ligawan siya ni John Lloyd.

  5. HAHA…ambobo ni Eddie LITTLEfield..what she said waas that walang control cla kim & gerald sa kanilang mga fans if ever ibaang projects ang gagawin nila separately,. BOBO amp!

Leave a Reply

Your email address will not be published.