Kim Chiu, ‘wag na raw gawing big deal kung sila o hindi ni Xian Lim

KAHIT SARIWA pa kay Kim Chiu ang pagkamatay ng ina ay naging masaya ang atmosphere sa presscon ng Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? Pelikulang pagtatambalan nila ni Xian Lim under Star Cinema na idinirek ni Bb. Joyce Bernal.

Lalong sumaya ang presscon sa pagdating at pagdalo ng binansagang Internet Action Star na si Ramon Bautista na kalog pala in person. Base sa librong isinulat ni Ramon na isang UP professor ang movie.

Nagtawanan ang press sa naging sagot ni Ramon nang hingan ng reaction sa mga papuri sa kanya ng buong cast. Aniya, “Gusto kong ilibre sila ng extra rice at saka ng iced tea. Totoo ang mga sinabi nila. Naku, napakagaling ko talagang tao.”

Hindi nakaligtas ang lead stars na sina Kim at Xian sa tunay nilang relasyon since matagal na rin silang nali-link sa isa’t isa.

Sabi ni Kim, huwag na raw gawing big deal kung sila ba ni Xian or hindi.

“Kasi kung sabihin man naming kami or hindi, wala naman mangyayari at saka wala rin namang mawawala sa inyo o madadagdagan sa inyo. Hindi ba? Parang hindi naman importante ‘yung label. As long as nakikita ninyo kami, napapanood ninyo kami at napapasaya namin kayo. ‘Yun na ‘yun, eh. ‘Yun na lang ang pagbasehan natin. Hindi importante ‘yung “ah sila”, “ah hindi”. Puwede ninyong isipin ‘yun and wala naman mawawala sa amin, wala ring mawawala sa inyo.”

Sabi pa ni Kim, ayaw raw nila madaliin ang mga bagay-bagay. “Katulad ko, ang dami ko nang mga kaganapan sa buhay and ako, dinadahan-dahan ko ang mga nangyayari sa akin,” say ni Kim.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

10 thoughts on “Kim Chiu, ‘wag na raw gawing big deal kung sila o hindi ni Xian Lim

  1. NAKOH, TIGILAN NA YAN DAHIL WALA NAMANG RELASYON ANG DALAWA. MAG-BFF SILA. SI BB JOYCE BERNAL NA NGA ANG NAGSABI. HAHAHAHA

  2. kahit kelan naman hindi umamin si Kim, malalaman mo na lang ang totoo pag break na sila at saka siya iiyak ng todo-todo. hays, what else is new??? always paawa effect, kalerky…

  3. MAHILIG NAMAN SA GANYAN ITONG KIM ACHUCHU NA ITO….MAHILIG MAGDENY PARA HABUL HABULIN SIYA NG MGA REPORTER…HMMPPP…TAPOS PAG BREAK NA AT NAKAKITA NA IBA ANG LALAKE SAKA MAGOOVER-REACT…LECHE!

Leave a Reply

Your email address will not be published.