Kim Chiu, type ang style ni Xian Lim!

SA MGA sinabi ni Kim Chiu na si Xian Lim ang itinuturing niya na pinakamalapit na lalaki sa puso niya at gusto niya ang istilo nito na sinusuyo ang pamilya niya, aminado ang aktor na sobra siyang na-touch sa mga sinabing ito ni Kim, lalo’t sila ang laging magkasama. Kakilala na ito ng kanyang ina at ng mga kaibigan at ganu’n din naman sa pamilya at mga kaibigan ng aktres.

Hiling nga ni Xian na sana ay magustuhan siya ng pamilya ni Kim, dahil mabuti naman siyang tao at wala siyang masamang intension sa kapareha. Nagbitaw rin ng salita na kahit na ano ang mangyari ay nandu’n lang siya para kay Kim at kung may kailangan at problema ito, nandu’n siya para problemahin din ang mga ito kasama ng kapareha.

Kasalukuyang nagte-taping para sa seryeng Ina, Kapatid, Anak kung saan magkakapareha sila muli ni Kim after My Binondo Girl, kasama rin si Xian sa pelikulang The Reunion, kasama sina Enrique Gil, Kean Cipriano at Enchong Dee. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Frasco Mortiz, under Star Cinema at mapapanood na sa darating na August 15 sa mga paborito nating mga sinehan.

 

IKINALUNGKOT NG marami sa mga tagahanga nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo na mukhang natuldukan na talaga ang panliligaw ng aktor sa Pop Princess, kung ang pagbabasehan ay ang nakaraang guesting nina Mommy Divine at Daddy Delfin sa Sa-rah G Live nu’ng nakaraang Linggo.

Sa mga nabitawang salita ng dalawa at maging ni Sarah, mukhang sumuko na talaga si Gerald, kung saan nabanggit nga ni Momy Divine na may mga kundisyones silang hinihingi sa sinuman na manliligaw sa anak at mukhang sumuko rito ang aktor.

Iwas namang magbigay ng saloobin niya si Gerald tungkol sa nasabing isyu nang makausap namin siya nu’ng nakaraang Linggo ng hapon sa Star Magic Olympics. Nakiusap sa amin ang aktor na event ito ng Star Magic at ‘di maganda na intriga ang pinag-uusapan. Nangako lang ito na darating din ang tamang oras na magsasalita siya.

Pero nang tanungin namin kung kailan kaya ito, walang maibigay na depinidong sagot si Gerald. Nakaalis na ng bansa nu’ng nakaraang Lunes kasama ang kapatid patungong Egpyt para dalawin ang ama na nandu’n at magbakasyon na rin, isa rin sa lugar na balak na puntahan ni Gerald ay ang Holy Land na malapit lang sa Egypt.

Sumang-ayon naman sa sinabi namin na ito rin ba ang pagkaka-taon niya para mag-isip-isip, ayon kay Gerald ito rin ang panahon para makabawi sa pamilya niya dahil sa sobrang busy niya ng mga nakaraang araw. Ayon sa aktor, lahat naman tayo ay dumadaan sa mga pagsubok at ‘di naman sa lahat ng araw ay masaya ka. Sa bawat pagtatapos ng araw, ang pamilya mo pa rin ang nandiyan para sa iyo at ang nasa Itaas.

Isang linggong mawawala sa bansa, baka sa pagbabalik-bansa ni Gerald, dito ay ibigay na niya ang saloobin niya sa naudlot sana nilang pagmamahalan ni Sarah.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

7 thoughts on “Kim Chiu, type ang style ni Xian Lim!

  1. Tama I’m happy for Kim And Xian just enjoy the moment to be happy. Poor Gerald Kahit if ako si Mom D mahirap din mag trust if u hv an issue of dating someone else even though ur stl in a relationship.Awang awa ako Kay Sarah buti nga udlot kasi if not kayo na maghusga massing isipin na iiyak si Sarah tulad dati ni Kim. Kya I’m so Hapi for Kim for Sara as what as ur mOm said the right guy wl come in d ryt time.

  2. Thats good I like KimXi, most kasi mabait clang dalawa cguro destiny na talaga ang tawag dito..diba? naghahanap ng reason talaga pag di kayo para sa isat isa. Thanks God naman
    at si Xian,  at time ang ksama nya sa MBG mabuti nalang tagal na kasi ang MBG natapos but until now cla pa rin ang magkasama. sa tinggin ko cla na kaya lang di na muna cla admit
    baka iwas issue sa mga nega. Goodluck sa nyong dalawa and God Bless

  3. tang ina much! inibahan lang ang title ng article pero may sarah geronimo pa rin! hahahahahahahahahahahahaha ikaw na talaga sarah the best ka!! hahahahahahaha

  4. I’m eally proud sa loveteam nila KIMXI both sila desente, may breeding at professional sa lahat ng bagay.. Lalo na si Kim Chui swerte ang guy na makakatuluyan niya kasi di lang siya professional, mabait, maganda, marunong sa pera, she can carry herself, natural sexy, well dress, matalino nasa kanya na ngang lahat kaya naman si Xian na enlove talga. WEll kaya iyan na lang ang pagsisisi ni Gerald Anderson nasa ginto na siya pumunta pa siya sa tanso.
    Xian ikaw na nga ang lalaking nararapat kay KIM . I wish all the best for both of you aand all your projects together at alagaan ninyo ang pagmamahalan ninyo.GOD BLESS BOTH OF YOU.

  5. Saludo ako kay Xian…isang malaking bagay din ang pag-amin ni Kim na si Xian na talaga ang lalaki na pinakamalapit sa puso nya ngayon.  Kim, being so private, it takes a lot out of her to say what she said.  Xian is definitely, a man after her own  heart – “caring, thoughtful, napakabait, hopeless romantic”.  Good luck and God bless to you Kim and Xian!  Keep on shining!

  6. Happy for Kim & Xian,iba sila for REAL lang ang peg! less talk si Xian hindi nga sinabi on-cam na nanliligaw pero off-cam consistent pala at sinusuyo pati family ni Kim.yan ang sincere na manliligaw o baka sila na nga,tinatago lang para iwas issue sa mga kontrabida.haha

    • im happy for both kim and xian… Tama yan xian na wak ng aminin on public kun anu man mmayrun kayu ni kim.,personal nyu na yun.  syempre lyk din namin na umangat pa ang carer ni xian,nagsisimula plang kc xian.  alagaan nyu nlng ang friendship u have,,,god bless kimxi!!!more projects to come

Leave a Reply

Your email address will not be published.