Kim Chiu, todo-suporta sa pagmamahal ni Xian Lim sa visual arts

Kim Chiu and Xian Lim at art exhibit in Boston Gallery

Kim Chiu and Xian Lim at art exhibit in Boston Gallery

Xian Lim with his art piece “Hunters”

Xian Lim with his art piece “Hunters”

Bilib kami kay Xian Lim sa pagmamahal niya sa kanyang sining.

Hindi marahil batid ng karamahin na bukod sa pagiging aktor at performer (sing and dance siya, huh!), isa ring magaling na visual artist ang binata, kung saan recently ay nagkaroon siya ng art exhibit sa Japan sa imbitasyon ng isang art gallery owner na nakilala niya nang makita ang obra niya sa isang art event kamakailan.

Dahil sa pagmamahal niya sa kanyang art, si Xian, kamakailan ay sumali na naman sa isang art exhibit together with his fellow Filipino visual artists na kinabibilangan nina Jason Montinola, Kaloy Sanchez, Lynyrd Paras, and Vladimir Grutus, at ang kanilang Indonesian counterpart na isinagawa sa Boston Gallery sa Cubao, Quezon City, last October 8.

Sa opening night ng exhibit, si Xian ay hindi pinabayaan ng lovey-dovey niyang si Kim Chiu who was present at the event. Xian’s art piece is entitled “Hunters”.

I just don’t know kung this time, nagustuhan na ni Kim ang art pieces na idinisplay ni Xian sa exhibit. Nasabi kasi ng binata na minsan, hindi raw ma-appreciate ni Kim ang mga obra niya na tipong impressionist at abstract, at medyo madilim ang kulay.

“What she wants ay ‘yong happy colors,” kuwento ni Xian noon.

Yesterday, October 11, nagsimula naman ang exhibit na “Mild Encounter” sa Kapitana Gallery in Balay ni Tana Dicong sa Talisay City. The exhibit will last until the 27th.

Thru our column, I would like to thank Gen Young of the “Kim-Xian Around the Globe” fan group for the lead.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.