Kim Chiu, sobrang naapektuhan sa ‘pagtataray’ sa press

Kim-ChiuSA NAKARAANG presscon for the bloggers ng Bride For Rent na pinagbibidahan nila Kim Chiu at Xian Lim na ipapalabas sa January 15, inamin ng aktres na akala niya ay magugunaw na ang mundo nang makapagbitaw siya ng maanghang at matapang na salita sa press nu’ng tanungin siya tungkol sa kung ano ba talaga ang tunay na estado ng relasyon nila ni Xian Lim sa presscon naman para sa media ng pinagbibidahang pelikula.

Naging usap-usapang ang pahayag  ni Kim na, “We don’t owe you any of our personal lives,” na ikina-offend ng maraming press na um-attend sa nasabing presscon. Sa kabila ng paghingi ng tawad ni Kim sa nabitawang salita at pasasalamat sa lahat ng naitulong sa kanya ng press sa kung anuman ang narating niya sa ngayon, aminado  ang aktres na nalungkot talaga siya at naapektuhan sa nangyari.

Nakahinga lang ng maluwag nang mabasa ang mga mensahe ng kanyang mga tagahanga na nagbigay ng lakas ng loob sa kanya. At sa kabila ng nangyari ay nakikita naman namin na kikita at tatangkilikin ng publiko ang pelikula kung ang pagbabasehan ay ang mainit na pagtanggap ng publiko sa trailer pa lang ng pelikula.

Sa paliwanag sa amin ni Kim, ayaw niyang sagutin ang tanong dahil may pelikula sila at ayaw rin naman nitong maparatangan na ginagamit niya ang kung anuman na mayroon silang dalawa ni Xian para lang sa promo ng pelikula. Naiintindihan din namin kung magdesisyon man ang dalawa na itago muna kung mayroon nga silang relasyong dalawa dahil ‘di naging biro ang pinagdaanan ng relasyon niya kay Gerald Anderson na naging bukas sa publiko mula pa lamang sa simula hanggang sa mauwi ito sa hiwalayan at maging girlfriend ng ex-boyfriend ang matalik na kaibigang si Maja Salvador.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

2 thoughts on “Kim Chiu, sobrang naapektuhan sa ‘pagtataray’ sa press

Leave a Reply

Your email address will not be published.