Kim Chiu, pressured sa tambalan nila ni Coco Martin

Kim-Chiu-Coco-Martin

Kim-ChiuLOBO PALA ang naging surpresa ni Xian Lim kay Kim Chiu para sa selebrasyon ng katatapos na Valentine’s Day. Sa kuwento ng aktres sa nakaraang Goya Thanksgiving Day para sa media kung saan endorser sa loob ng ilang taon na rin si Kim, malaking lobo ang iniregalo sa kanya ng kapareha at na-touched naman siya dahil nag-isip ito nang husto na kaysa bulaklak ang ibigay sa kanya na karaniwang nireregalo ‘pag Valentine’s Day ay mas maganda na lobo na lang. Dinala pala ito sa kanya ni Xian nu’ng February 12 dahil may taping siya ng Ikaw Lamang ng mismong Valentine’s Day.

Nang tanungin namin tungkol sa naging gesture ni Xian na nagpadala ito ng bulaklak at show notes kina Bea Binene at at sa ka-look alike ni Kim para humingi ng dispensa sa mga nasabi nito sa nakaraang Chinese New year celebration ng Banana Nite, umiwas nang magsalita tungkol dito ang aktres at sinabing matagal na naman itong nangyari, naayos na ang lahat at sana kalimutan na lang ito.

Aminadong may pressure siya sa bagong serye kung saan makakatambal niya si Coco Martin, sa kabila nito, nandu’n ang exicitement ni Kim dahil bagong mga tao ang kasama. Iba ang vibes bukod pa sa maganda ang istorya at magagaling ang  mga kasama niya. Hangang-hanga sa nakikitang propesyonalismo at dedikasyon ni Coco sa trabaho nito, bilib siya na sa mga eksena ay may inputs na binibigay ang aktor para higit na mapaganda ang mga eksena.

 

BILANG BAGONG endorser ng Lesofat, 16 lbs. na pala ang nabawas kay DJ Chiki Boom Boom ng FM radio show na MOR 101.9 For Life ng Kapamilya Network. Nagsimula sa 156 lbs. at ngayon ay 140 lbs. na lang kung saan naibawas ito kay DJ Chiki sa loob lamang ng tatlong buwan, ang target na ibawas pa sa kanya ay 15-20 lbs.

Sa kuwento ng DJ, galing siya talaga sa pamilya ng mga matataba, ngayong nagbawas na siya ng timbang ay mas nagkaroon siya ng higit na kumpiyansa sa sarili at mas nadagdagan ang mga trabaho niya kung saan nagpahayag na ng interes ang DZMM na kunin siya.

Ang kinaganda kay DJ Chiki, bukod sa Lesofat na iniinom niya ay sinasabayan niya ito ng tamang diet at pag-e-exercise kaya kung titingnan ang DJ ay maganda ang kanyang pagpayat at hindi siya mukhang may sakit. Wala rin siyang nararamdamang side effects gaya ng pagbilis ng tibok ng puso na karaniwang nararansan ng iba na umiinom ng mga diet pills, ligtas at BFAD recommended ang Lesofat ‘di gaya ng iba na delikado sa kalusugan at buhay ng tao.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

7 thoughts on “Kim Chiu, pressured sa tambalan nila ni Coco Martin

  1. Talagang mapepressured ung Payatola y Hamonada na yan..ikaw ba naman na matagal na sa showbiz pero Bano at Bobo pa ring umarte tapos isa pa sa mga lead star ng heavy-drama series..nakakahiya yan!!! Wag na nyang pangarapin na sya ang papalit sa trono nina Ms. Claudine Barretto at ni Ms. Judy Ann Santos as Drama Queens ng Dos dahil kahit sa panaginip di mangyayari yon. Di niya mapapantayan at mahihigitan ang angking galing sa pag arte nina Claud at Juday..sa kangkungan ang bagsak ng payatola na yan.. hehe!!!

    • kapal mo na tawagin syang payatot……….sexy body at pang model ..hahaha fat ka siguro at pangit kasi nega ka I feel sorry for u

      • sexy, pangmodel? hahaha, nagpapatawa ka ba lutchie? sorry pero mas maganda at mas sexy ako kaysa sa idolo mong dilis hahahahahahaha! magsama kayo pareho kayong mukhang dikya! hahahahahahahaa

      • parang di ka naman yata ganun putrizk… nakita na kaya kita. konti na lang kasinglaki mo na si jessica soho ‘noh! at kung makadikya ka naman… dyosko ang itsu mo parang patay na corral reef… hahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.