Kim Chiu, pinalalabas na pabayang anak

BLIND ITEM: Nakatutuwa naman ang nangyari sa mag-asawang aktor at dating “teen” actress. Bago pa sila noon ikinasal eh, meron na silang “adopted child”. Tapos nga, nu’ng nagkaroon na sila ng sariling baby, eh ‘di dalawa na, ‘di ba?

Isang adopted at isang biological baby.

Pero may kuwento sa likod ng “adopted baby” nila. Ang naturang baby ay produkto ng isang kilalang couple.

At alam n’yo ba kung sino ‘yung couple na ‘yon? Hahahaha! Eh, ‘di sila rin.

Na-shock ba kayo? ‘Wag na kayong ma-shock dahil ayon sa aming source, ‘yun ang totoo. Itatanong n’yo ngayon kung paano nangyari ‘yon? Nanganak sa ibang bansa ang aktres, pero walang nakaalam, dahil nga may karir pa siyang babalikan noon.

Pero ngayon ay full-pledged mom na lamang siya ng dalawa nilang anak at sabi naman ng aming source, masaya naman ang dalawa, dahil sila rin ang nagkatuluyan sa bandang huli.

‘Wag na kayong manghingi ng clue, basta let’s be happy for them. Hehehehe.

 

KUMAKALAT NGAYON sa social media ang diumano’y pagkakapasok sa rehab center sa Tagaytay (daw) ng isang napakahusay umarteng young actor.

Nauna nang napabalita na nagiging sakit ng ulo sa set ng teleserye ang gwapong young actor, kaya napadali ang ending ng serye.

Sinundan pa ito ng isyung inindiyan nito ang guesting sa isang show na ikinalokah ng staff, dahil hindi sila p’wedeng pumak-ap kaya dali-dali silang kumuha ng replacement bago pa mapunta sa wala ang milyong halaga ng production cost ng araw na ‘yon.

At heto na nga ang latest: ipinasok na raw sa rehab ang bagets.

Hindi napagkikikita ngayon ang young actor, kaya hinihinalang posibleng nasa loob nga diumano ito ng isang rehab center.

Well, if this is true,  eh siguro nga, ‘yun ang tama para rin maituwid ang dapat na ituwid. Kami’y nanghihinayang sa young actor na ito, dahil mahusay pa namang umarte, tapos, sisirain lang ng bisyo.

 

TOTOO ‘YUNG “you cannot please everybody.” Maiintindihan mo kung ganito nga. Pero ‘yung namatayan na ‘yung tao, pinararatangan pang “pinabayaan” nito ang namatay na ina ay parang “foul” na.

Kaya nga ang kampo ni Kim Chiu ay nakikiusap na sana naman daw ay ‘wag huhusgahan si Kim na siya’y hindi naging mabuting anak, dahil unang-una, hindi naman daw ang mga taong kung makahusga ay parang alam ang mga totoong ginagawa ni Kim para sa ina nito nu’ng nabubuhay pa.

At ‘wag na ring kuwestiyunin kumbakit ayaw pag-usapan ni Kim ang tungkol sa iba pang bagay na may kinalaman sa “history” ng kanyang ina, dahil pinili niyang maging pribado na ‘yon.

Kahit nga kami ay may idea sa kuwento ng ina, pero bilang pagrespeto sa mga naulila ni Mrs. Chiu ay hindi na para kalkalin pa ‘yon. Bagkus tulad ng nakararami, mas makiramay at makidalamhati na lang tayo kay Kim.

Alam naming hindi biro-biro din ‘yung sakripisyo ni Kim para sa ina at hindi na para ipagbanduhan pa kung anong mga klaseng kabayanihan ang pinatunayan niya sa ina bilang isang mapagmahal na anak.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

21 thoughts on “Kim Chiu, pinalalabas na pabayang anak

  1. Guys, huwag nang patulan si Jana. Mukhang ignorante sa mga contracts. Hindi siya nakakaintindi. Malamang di nagta-trabaho iyan. Di niya alam na puwede kang makulong kung lumabag ka sa contract. Don’t exert too much effort sa pag-explain to Jana. Ignorante at makitid utak. Case closed. Move on.

  2. B.I. – NAKOH, SINO BA ITECH, OGIE? WELL, SINO BA ANG DATING TEEN ACTRESS ANG MAY ADOPTED CHILD? JUDAY (WITH YOHAN), CLAUDINE (WITH SABINA), KRISTINE HERMOSA (WITH KIEL). OH, MAMILI NA KAYO. HAHAHAHA

  3. No need to understand her,, kc mas foul ung ginawa nya unahin ang trabaho at mag shoot shoot habang ang nanay nya nsa loob ng kabaong,, wala pko nalaman n sinong artista o politician o simpleng tao o ordinaryong tao na iniwan ang burol ng nanay pra mag trabaho,,,,, unlesss u will put the word ” i dont care” . Well kung artista ka at least u ipakita mo n u did concern,  just stay beside ur moms  wake… Di b s pelikula naglalamay why she didnt even do that crying in front of the camera is what we usually seen in a drama stories so we got used to it… Ur  private life is what we cant see but as a public figure uve earned ur money from it so at least uve tried to show  people for being human.

    • jana, nag work kba sa ibang bansa? ibang nationality kausap nya hindi Filipino, kya wla sa knila kung namatayan ka or hindi, they ware talking about millions of peso na masasayang kung hindi yon matutuloy, kc last 2yrs pa ok yong contract na yon & all the production are all set & schedule  on that date. hindi ganon kadali yon. kya bago ka magsalita alamin mo mna.
      si pokwang hindi sya pina uwi ng amo nya nong namatay anak nya. si Gary V, nag concert din nong nka burol papa nya. 

      • Mas worst ang other nationality with regards to death, they have great respect with regards to that.! 2 or 4 days isnt bad if postpone sya for such a valid reason…. And mentioning those artists i think dont have connection with her kc ang case nya shes longing for a mother for so many years and time comes….she neglected it to priorities commitment,,, and im sure u wont do the same  as what she did :-)

      • TANGA KA! Mkacomment klng pero dmo alam cnsbi mo. Mali nnn english mo mauna b ang think s don’t? Hahahah wag n kc mgpilit TVH!

    • So when they continued asking him, he lifted up himself, and said unto them, He that is without sin among you, let him first cast a stone at her. John 8:7

    • @Jana, professionalism ang tawag dun. Bilang artista kailangan nya tuparin ang contract. at hindi lang sya ang involve sa contrata. kung professional kang tao, iisipin mo din yun mga taon madadamay kung maig iinarte ka. Okay lng sana kung yun shoot at production set ay di pa ready at pwede pang reschedule pero in Kim’s case for sure nagtry sya na icancel, pero bounded sya ng contract at for sure even yun managment nya walang magawa. Minsan hindi masama ang makiramay, try mo lang teh! sabagay mas madaling manghusga :( hindi ko alam kung ano pinagdadaan mo Jana pero mas masarap ang walang inggit at galit sa katawan

      • I didnt see any wrong for moving such commitment for a couple of days with such valid reason………for a dead body s loob ng kabaong the problem is she was there already tpos umalis p sya just  because of that? 

      • Sobrang TANGA LANG! D porke ngwork k khit me patay kau eh msma kn it’s all about commitment kundi mo alam ang ibig sbhin nun eh wag kn magcomment kc nlalaman tuloy ng iba kung gno kalabnaw utak mo at kaTANGA KA!

      • Sayo wala,pero sa business meron.kung c kim lang ang tao sa commitment na iyon, ok lng.eh marami pang tao na kailangan ipostpone ang trabaho if ever gusto nya itong ipostpone. and one say selay means, malaki din ang mawawala….wag makitid angutak dear…

    • punta ka kaya dito sa amerika ng malaman mo.yung iba ditowala pang contract cge lang eh nag wowork pa rin cla talagang sa funeral na lang pumupunta ang anak.talagang kahit na matulog at hindi umalis c kim sa tabi ng nanay meron ka pa rin masasabi

      • Nahh… As long as uve showed ur deepest sympathy not to ur family but to the mother itself…..which part of america u reside? And im sure u are not american to adopt their culture and if you do americans doesnt mind gossip though.

      • ms. Jana, d nmn ganun kadali malamang for kim to leave her mother during her wake.. but its a case to case basis. Even if her mother can speak, ayaw din niang maging sakit ng ulo ng ibang tao ang anak niya for sure.. and she was there from the beginning of wake.. ng libing she was der too.. So ung basis is too much mababaw to judge someone in grieve.. respect and love can’t be seen on presence.. it’s in the heart.. madaming pwedeng magstay the whole time but how can u be sure that the intentions are pure? so u can’t judge, NO ONE is allowed to judge…

  4. BI2 – JM de Guzman. Nasaan ba siya talaga? Sa article naman ni Fernan de Guzman (kaapelyido pa ni JM), na sa Australia daw si JM at inaayos ang sarili duon. Ano ba talaga???

Leave a Reply

Your email address will not be published.