KIM CHIU, PINAGTATAWANAN SA BAGONG COMMERCIAL!

ISA SA MGA effective product endorser si Kim Chiu, pero marami ang nabigla sa kanyang bagong TVC para sa isang pagkain. Ayon sa mga feedback mula sa manonood, hindi nila akalaing pumayag ang young actress na mag-pose na nakabaluktot ang katawan.

Hindi maiwasan ng mga manonood na mag-isip ng hindi kaaya-ayang mga bagay habang pinapanood si Kim sa isang ‘awkward’ position. Naiintindihan naman ng mga tao na marami talaga ang nagtitiwala kay Kim para mag-endorso ng kanilang produkto, pero sana’y i-review muna nila ito para hindi magmukhang katawa-tawa ang prinsesa ng Dos.

HEART EVANGELISTA, HANDANG-HANDA NANG MAGPAKASAL!

Nalalapit na ang kaarawan ng Dwarfina lead star na si Heart Evangelista. Sa kanyang huling interview sa ‘Don’t Lie To Me’ segment ng Showbiz Central, sinabi nito na isang malaking ‘YES’ ang kanyang isasagot kay Daniel Matsunaga kung sakaling mag-propose na ito sa kanya.

Ayon sa dalaga, humingi raw siya ng sign at nakita niya ito kay Daniel sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng binata ng isang bibliya. Six months nang magkasintahan ang dalawa ngayong buwan at marami ang nagsasabing mas naging simple at masiyahin ang aktres na ilang beses na ring nabigo sa larangan ng pag-ibig.

Sana nga’y si Daniel na ang ‘the one’!

KRIS BERNAL, BAGONG BABAE NI MARK HERRAS!

Masaya si Kris Bernal ngayon dahil napatunayan niya na rin sa madla na kaya niyang mag-survive na wala sa piling ng longtime onscreen partner na si Aljur Abrenica. Consistent na mataas ang ratings ng kanyang afternoon series na Koreana.

Ang Starstruck V graduates na sina Steven Silva at Rocco Nacino ang naging leading men ni Kris sa nasabing serye at tinangkilik naman ito ng Kapuso viewers. Nakarating sa amin ang tsikang si Mark Herras ang susunod na makakasama ni Kris sa isang dance series. Kung sakali, ito ang kauna-unahang project nina Mark at Kris bilang magkapares.

Makikisayaw naman kaya sa kanila ang mga manonood lalo na’t negative ang dating ngayon ng young actor sa press?

BIANCA MANALO, DEADMA SA PANG-IINTRIGA SA KANILA NI VENUS RAJ!

Pasok na nga sa Kapamilya network ang Bb. Pilipinas-Universe 2010 na si Venus Raj. Dahil dito, hindi maiwasang ipagkumpara sila ng Bb. Pilipinas-Universe 2009 na si Bianca Manalo. Ang beauty queen turned actress kasi ang unang pumirma sa Kapamilya network at bida pa ito sa panghapong comedy-drama na Juanita Banana.

Ayon sa dalaga, inaasahan na rin niya na iintrigahin sila ni Venus Raj, pero mas gugustuhin niyang dedmahin na lang ito. Kunsabagay, sa pagpapatawa nalilinya ngayon si Bianca at si Venus naman ay napapasabak sa hosting stints. Tama lang na huwag na silang pag-awayin, ‘noh!


Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ShowTwitz

About the Author

has written 67 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.