Kim Chiu, pinaglaruan ng hacker!

NALOKA NAMAN kami sa Instagram post ni Kim last Saturday dahil na-hack daw ang kanyang account at ‘yung hacker ay may malicious message na ipinost sa kanyang account.

Ang tinutukoy na malisyosong Instagram message ay litrato ng isang puzzle na hugis puso na may naka-caption na: “The more BOYS I met the more I realize that IT’s ONLY HIM I WANT TO BE’ :( PLEASE come back to ME (G.A)

Nabura kaagad ang nasabing post na nakakuha na ng 84 likes.

Itinanggi na ito ni Kim sa pamamagitan naman ng pag-post nito ng disclaimer message sa account niyang ‘chinitaprincess’, “good morning IG friends! i just want to inform you that my account has just been recently HACKED, i’ll keep you posted if it happens again, i just might make a new acct na, and please be informed that the recent post was not mine!!! GOD BLESS YOU, HACKER!!!!!!”

Naka-caption sa litratong ito ang mga salitang, “thank you @yescppicache @marvzie @haidzfernandez for helping me fix my instagram acct., natakot ako kinabahan ako sa hacker, I already change my password na, thanky you guyzzz,, what a way to start my morning!”

Ang huling karelasyon ni Kim ay si Gerald Anderson na may initial na G.A.

IWAS NA iwas si Maja Salvador na pag-usapan ang tungkol sa kung ano man ang namagitan sa kanila ni Gerald bago pa ang kanyang pag-amin last Thursday sa Bandila ng ABS-CBN na sinabi niyang sila na nga ng Kapamilya actor. Nakausap namin si Maja sa set ng bago niyang pelikula kasama si Senator Jinggoy Estrada na Tatay.

Nagpahayag na si Gerald Anderson na mahal niya si Maja sa panayam nito sa Star Studio Magazine. Ano ang masasabi niya na open na ang actor sa relasyon nila?

Medyo napa-isip muna si Maja ng ilang segundo bago sumagot nang, “Sa totoo lang po hindi ko alam kung paano sasagutin ‘yan. Marami ang nagsasabing masuwerte ako, ganda ko, mahaba ‘yung buhok. Pero ‘yung sa akin, ‘di ko alam kung paano ko sasagutin kapag may nagtanong ng ganyan. Siguro, ‘di ko alam kung paano ‘yung ginawa ko, pero sobrang blessed ako na ganu’n na lang ako kaimportante para sa kanya talaga.”

Sabi pa ni Gerald, ang relasyon nila ay hindi kailangang itago, worth fighting for. Sagot ni Maja na nakangiti, “Talagang pag-uusapan natin ‘tong topic na ‘to?”

How proud of you sa pag-amin niya para hindi na rin kayo matatanong pa sa totoong estado ng relasyon n’yo?

Saad niya, “Nasa Star Studio (magazine) na eh, lahat na eh. Parang ‘yung sa akin, ‘yun nga sinabi nga rin niya na parehas kami, ayaw nga rin niyang idetalye lahat, hangga’t maari. Hindi naman kasi kami love team o kung ano para pakiligin ‘yung mga tao. Parang personal ‘yung sa amin eh. So, hangga’t maaari, ‘yun ayoko… parang tama na siguro po ‘yung kung ano ‘yung nabasa n’yo sa Star Studio, kung ano man ‘yung mga nilabas du’n at sinabi niya du’n, ‘yun na lang po ang panghawakan ko.”

Gaano kaya siya kasaya ngayong nahanap na ang totoong pag-ibig?

Pahayag niya, “Alam mo hindi lang pag-ibig ang happiness dapat, ako ini-enjoy ko ‘yung buhay ko, masaya ako at ‘yun lang y’ung importante ngayon para sa akin. Kasi ‘pag ikaw sinimulan mo ‘yung araw mo o sinabi mong sa sarili mo na magiging masaya ako, positive lang ang mangyayari sa akin buong araw, buong taon, ‘yun ‘yung mangyayari. Kahit anong bagyo man ‘yung dumating. Ikaw pa rin ‘yun eh. Ikaw kasi ‘yung magha-handle ng lahat.”

Panghuli pang tanong namin, “Pero ‘yung aspeto ng may nasirang friendship, anong take mo du’n?”

Medyo atubili si Maja na sagutin ang tanong na ito. Sabi niya, “Ay, hindi po kasi ako nagsasalita sa ganyan, sorry. Mas ‘yun nga… ‘yun pa rin ‘yung maririnig n’yo sa akin, uhm…”

Sabi niya, “Uhm, kahit gaano ko pa ka-gustong i-defend ang sarili ko, mas pipiliin kong manahimik na lang at nirerespeto ko kung ano man ‘yung mga naririnig n’yo.”

Dugtong pa niya, “Yun na lang… at kung ano man ‘yung opinion n’yo pa, basta ako ‘yun na lang, mananahimik lang ako. Thank you.”

 

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

13 thoughts on “Kim Chiu, pinaglaruan ng hacker!

  1. bravo ryza i like ur commen t may points ka dyan, sinadya talaga n ban sot budoy na magka relation cla n malandi, dahil bff nia ex mo na c kim, bitter kc c ungas nakita kc nia happy c kim ngaun, kaya ginamit lng c flirt malandi,,, 

  2. o ayan umamin na cla,whats next kangkongan,juice nla naman akala nla magkakandarapa ang madlang people sa kanila,maging happy na lng kayo no while it last, pg na feel ni budoy na wala na syang career hahanap na uli yan ng masasakyan wanna bet? matagal na rin na wala syang show pero no worry may rich benefactor naman daw ha?

  3. hindi man kasing ganda at kasing guapo c kim at xian  nila dawn n richard pero para sa akin cla ang junior version ng dalawa

  4. naku ang dali naman mag-deny, kahit totoo naman na siya ang nag-post. ano naman ang masama Kim, kung hanggang ngayon ay nag-wa-water-water ka pa rin kay gerald. napaka-yummy naman talaga niya, at for sure na ang laki at haba ng burat ni Gerald.

    • Are you kidding yummy si gerald or yucky nakita mo ba siya sa ggv basang basa ang kilikili eeewwww gross bago siguro me diprensya ang underarm. Hindi maitaas taas ang kamay Kasi he looks gross si xian ang yummy parating mukhang fresh at pogi na yummy pa

      • Are you kidding yummy si gerald or yucky nakita mo ba siya sa ggv basang basa ang kilikili eeewwww gross, siguro me diprensya ang underarms. Hindi maitaas taas ang kamay Kasi he looks gross si xian ang yummy parating mukhang fresh at pogi na yummy pa.  Awkward pa iyong friendship nila ni Rayver naghahalikan tama ba iyon mga lalake kuno sila.  

    • Pano nging malaki kay gerald eh bansot nga xia kumpara kay xian lim eh..wala xiang sinabi ang talino pa ni xian may sense ang mga sagot pag iniinterview d gaya budoy abnormal talaga bgay nga sa kanya role budoy hahaha

  5. Hay naku Maja kulang ka sa Leksyon…isip isip pag may time ahhh!! natural lang itreat ka ni kupal na budoy na special lalaki yan bobola bolahin ka pakikiligin ka regalo dito regalo dun..ganyan talga mga lalaki eng eng talga toh si Maja ang bilis mabola. at natural lang din sa lalaki na matatamis ang bbitawan syong salita nyan hanggat di pa nagsasawa na chukchakin ka eng eng talga..dati gustong gusto ko si maja now prang nacheapan ako patol kagad eh..prang bata lang na nabigyan ng candy at sumama kagad ngek! lolz..Basta maja wala ka delikadeza maiisip mo lang lahat at pati halaga ng friendship pag nagkasawaan na kayo ni Budoy!

  6. Opinion lang naman maja ano..pano ka magiging masaya sa araw2x kung nasira naman yong relasyon m with ur bff..alam mo idol talaga kita noon pero sayang kc pumatol ka s isang user na budoy..ang bilis m kasing kumagat eh d m ba naisip n kaya ka cguro niligawan ng budoy na yan its because bitter parin xia kay kim chiu kc alam niyang masaya c kim ngaun kaya gus2 niya saktan ulit

  7. ‘yun lang ‘yun hhmm basta ‘yun na ‘yun – ‘ yun lang din naintindihan ko ke maja kalurkey. ang tindi ng hacker ni kim, nag-aaksaya talaga ng time, maka-maja kaya ‘yun hacker? 

Leave a Reply

Your email address will not be published.