Kim Chiu: Pakaway-kaway lang, big star na!

Malayo na ang ang narating ng kauna-unahang Pinoy Big Brother Teen Edition winner na si Kim Chiu. Pagkatapos ng tatlong taon, she has earned the title as one of the Primetime Teleserye Princesses dahil sa malaking tagumpay ng recent drama-series niya sa ABS-CBN na Tayong Dalawa, pairing her off not only to one, but two leading men.

“Dream ko talagang makita sa TV. Kahit mag-wave-wave lang sa TV Patrol, masaya na ako na nakita ko ‘yung sarili ko sa TV,” pahayag ni Kim.

Dati raw bago siya sumali sa PBB Teen Edition, dumalaw ang TV Patrol Cebu sa school niya hindi raw talaga siya nahiyang mag-wave. Hindi niya akalaing darating ang panahon na isa siya sa magiging importanteng bituin ng kanyang henerasyon.

Paglabas niya ng PBB house, sa mga panghapong teleserye ng ABS-CBN siya unang napanood, gaya ng Love Spell, Your Song Presents at Star Magic Presents. Nagkaroon din siya ng TV guestings sa Maalaala Mo Kaya. Binigyan naman siya ng kanyang biggest break sa primetime sa drama-series na Sana Maulit Muli na naging isa sa top-rating shows that time sa Kapamilya network.

Ang co-PBB Teen Edition housemate at first runner up na si Gerald Anderson ang kapareha ni Kim sa lahat ng mga nabanggit na programa niya sa ABS-CBN.

“Tinanong sa akin ng management kung anong dream role ko kasi ibibigay nila sa akin. E, wala naman ako’ng maisip. Sabi ko, ‘wala talaga akong dream role. Kasi lahat ng trabahong ibinibigay sa akin, gagalingan ko talaga. At saka wala akong dream role na gustong gampanan as of now.”

Ang huling episode na ginawa ni Kim sa Your Song ay ang pinamagatang My Only Hope. Dito nagsimulang gumanap ng mas mature na role sina Kim at Gerald. At pagpasok ng 2009, tinutukan ng buong bansa ang malaganap at pinuri-puri ng mga kritiko na programa nila ngayon ni Gerald na Tayong Dalawa.

“Sobrang kakaiba ‘yung role kasi parang lahat ng emotion nandito na. Pagmamahal, iyakan, pinapahirapan at sinasaktan ako. Basta lahat ng emotions nandito tapos nakakasama ko pa ‘yung mga veteran actor. Talagang marami akong matututunan at malalaman du’n sa kanila.”

Dahil sa big success ng Tayong Dalawa, certified Primetime Princess na si Kim.

“Naku! Talaga? Sobrang saya ko po siyempre,” ngiti ni Kim. “Honored po ako na masabihan ng ganu’n. Pero never po  talaga ‘yun pumasok sa isip ko. Pinagpi-pray ko lang talaga na sana magkaroon ako ng bagong project. At kahit po pagkatapos ng Tayong Dalawa, sana mabigyan pa ako ng ganito kagandang show.”

Sa kabila ng mga tagumpay at mga papuring tinatanggap niya, paulit-ulit din ang pasasalamat niya sa PBB.

“Utang ko pong lahat sa PBB family ko, like si Direk Jilmer (Dy, dating executive producer ng show). Siya po ang nag-interview sa akin noong nag-o-audition pa lang po ako, kaya alam niya pong lahat. Masayang-masaya po akong talaga sa lahat ng na-achieve ko, kasi all wishes granted pong talaga.

“Sobrang laki rin po ng naitulong ko sa family ko. Ako na po ang nagsisilbing mother, father sa mga kapatid ko. Napag-aaral ko po sila at naibibigay ko po ‘yung pleasure na gusto nila. Ako po kasi before, hindi ko po nagagawa ‘yung like, ‘Mama, Papa, ibili mo ako ng ganito, ganyan.’ Kasi alam ko po na hindi po nila maibibigay dahil kapos po kaming talaga.

“Pero ngayon po, sa mga kapatid ko, kapag may hinihingi sila, ibinibigay ko kasi lahat naman po ng ginagawa ko, para po talaga sa kanila. Masaya po ako. Hindi naman po siguro lahat ng teen, nakakatulong nang ganito kalaki sa pamilya nila. At lahat po ng ‘yun, utang ko pong talaga sa PBB Teen Edition,” lahad ni Kim.

So far may 25 endorsements si Kim ngayon at kung hindi kami nagkakamali siya na ang may pinakaraming ini-endorse na products among all stars today. Kaya naman bukod sa pagiging primetime teleserye princess she can easily bagged the title as the Princess of Endrosement.

“Wow! Malaking pasalamat lang po siguro ang masasabi ko sa mga nagtitiwala sa akin na mag-endorse ng products nila. Masaya po talaga ako, kasi kahit maraming schedule, isa sa inspiration ko na magtrabaho nang magtrabaho. Dumarami ang commercials, dumarami ang mga blessing. Sana hindi na ito matapos, sana tuluy-tuloy pa rin sila at ayun sana marami pa’ng dumating.”

With all the commitments sa kanyang career, siyempre may wini-wish naman si Kim para sa kanyang sarili.

“Gusto ko po’ng magkaroon ng bahay. Isa ito sa mga wish ko talaga sa pagpasok ko bilang artista, na magkabahay. ‘Yung matatawag kong sa akin, at ‘eto na ‘yun. ‘Yung hindi ako uutang sa bangko para sa bahay, gusto ko ‘yung tama ‘yung pera ko para ipagpatayo ng bahay.”

Nakabili na si Kim ng 600 sq.m. na lote para sa itatayo niyang bahay.Gusto raw niya colorful ang bahay niya na parang doll house.

“Pagkatapos po ng dream house, gusto ko namang magka-business. Para ‘pag wala akong ginagawa, magbabantay ako ng store ko. Marami po akong pinag-iisipan: laundry shop or RTW or grocery.”

At isa pa sa future plans ni Kim ay ang makapag-travel.

“Gusto ko po’ng pumunta sa Alaska, kasi gusto ko talaga sa malamig na lugar at may snow. Dream ko talaga ‘yung may snow na malakas. ‘Yung bumabagsak, ‘yun ‘yung pangarap ko, na makahanap ng ganu’n,” tapos ni Kim.

By Julie E. Bonifacio

loading...

11 thoughts on “Kim Chiu: Pakaway-kaway lang, big star na!

  1. anna banana: hahahahaha,halata kna masyado na galit na galit kay kimmy ha.kc naba2sa ko ibang nega comments mo about kim.2 naman nag aaksaya tlga ng time para d2 eh ayaw naman kay kimmy.hay naku!ang mga tao nga namang walang magawa kundi mang lait.bka ka nga naman kc nila2it sa inyo kya dinadala mo ugali mo d2.hehehehe.well sorry ka na lng kc in demand pa rin c kimmy na cnasabi mong pangit umarte.pki ba ng ABS sau.eh d ka naman fan.hehehehe.

  2. not enough energy. parang di na-introduce sa kanin. sus. anu naman kinagaling nyan umarte??? PARANG TUOD!!!! wahahaha. nag woworkshop ba yan???? kung di dahil sa mga beteranong actors sa TD walang ka kwenta-kwenta ang palabas na yan!!! si kim dekorasyon lang yan sa palabas!!!! ampanget ng character. ampanget umarte. ampanget! mukhang puppet ng ventriloquist, mukhang matanda!!!!

  3. congrats kim chiu! ka-level mo na si sarah and KC!
    you can now be callled as a PRIMETIME PRINCESS and a STAR
    konti na lang at maa-abot mo rin ang level nina Marian Rivera,
    Angel Locsin, Bea Alonzo and Anne Curtis. :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.